^

Para Malibang

GHOST LAKE (15)

Pang-masa

“I NEVER say die, Dolores! Liligawan kita at walang makapipigil sa akin!” sigaw ni Paolo, sa kadilimang nagkubli sa dalaga. “Aalamin ko rin kung bakit napakahilig mong tumakbo nang nakayapak! Di mo alam na posibleng matitinik ka, ha?”

“Hoy! Sino’ng sinisigawan mo diyan?”

Napalingon si Paolo sa sumita. “Hepe, nandiyan ka pala.”

“Naulol ka na ba, ha, Paolo Bulaong?  Sumisigaw ka sa wala?”

Napahinga nang malalim ang binata. Kinabahan sa presencia ng itinuturing niyang ‘tuta’ ng mayor. “Tutuloy na ako, Hepe.”

“Teka-teka, kapag kinakausap kita, huwag kang basta aalis! Kabastusan ‘yan!”

“Hepe, bitiwan mo ang kuwelyo ko. Ayokong mag-away uli tayo.”

“Ako, Bulaong, gusto ko!” Umigkas ang malaking kamao ng hepe.

Pug. Napuruhan sa panga si Paolo, bumulagta.

Pinagtatadyakan siya ng hepe. Tad. Tad. Ta-tad.

Puro pasa na si Paolo, hindi makaganti, nakalugmok pa rin.

Maya-maya’y natigilan ang walanghiyang kasangga ng meyor. Nanindig ang balahibo sa nakita. “A-anak ng tokneneng …”

Nakalutang sa di-kalayuan ng hepe ang tatlong kabaong na basambasa, tumutulo ang tubig; obvious na galing sa dagat.

Palapit sa hepe ang mga kabaong. “P-Putang—“

May baril ang hepe, pinutukan ang mga kabaong.  Bang. Bang. Bang.

Tinamaan pero hindi napigil ang paglapit.

Binundol na ang hepe—sa ulo at dibdib. Thug. Tag. Blagg.

Napaluhod pero nakatayo rin ang hepe, duguan ang noo, bugbog ang dibdib. “Aaah…napakasakit…ipasasalakay ko kayo sa mga tauhan ko…” 

Nakita ni Paolo ang kababalaghan, pati na ang iika-ikang pagsakay ng hepe sa dyip nito.

Bruuuum. Nakalayo ang hepe, hindi na nakita ang unti-unting paglalaho ng mga kabaong.

Naiwan na si Paolo sa dalampasigan, puro pasa, iiling-iling.

HABANG ginagamot ang sariling mga sugat, alam ni Paolo na dumarami ang problema. “Bakit ako ginulpi ni Hepe?... Bakit ayaw nang tumigil ang pagmumulto sa lawa?”  

Sumilid sa isip ang isang hinala. “Biktima ba ng karahasan ang mga babaing nasa kaba­ong?”  

(ITUTULOY)

vuukle comment

AAAH

AALAMIN

AYOKONG

BAKIT

BIKTIMA

HEPE

PAOLO

PAOLO BULAONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with