^

Para Malibang

Ghost Lake (12)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKABUYANGYANG sa harapan ni Paolo ang kahubaran ni Dolores. Nais na yatang makalimot ng binata; unahin ang dikta ng pagkalalaki bago ang pagsisid sa pusod ng lawa.

Naghubad na rin si Paolo. Ang kamay ay nais manlikot kay Dolores.

“Huwag, Paolo…unahin mo ang problema, huwag ang mahalay,” sansala ni Dolores. “Maniwala ka, marami nang napahamak dahil sa init ng katawan, sa tuksong ayaw labanan.”

Napigil naman ni Paolo ang kumaka­walang paghahangad. Iniwasan nang sulyapan ang walang saplot na babae

“Dolores, isang tanong bago tayo sumisid—dalaga ka ba?”

Tumango si Dolores pero tumingin sa malayo.

“Saan ka nakatira? Nais nga kitang…pasyalan.” Umiling ang dalaga. “Di ba sinabi ko sa iyong bawal?” “But why? Ang dalaga ay nomal na pinu-pursue ng binata. Kung may boyfriend ka man, wala akong pakialam. Hangga’t hindi pa kayo kasal--”

Tinakpan na ni Dolores ang bibig ng binata, sarkastikong napailing-napangiti. “Kung alam mo lang, Paolo…kung alam mo lang…”

Bago  pa muling nakapagtanong si Paolo ay tinakbo na ni Dolores ang dagat, sumisid agad.

Napasunod na rin si Paolo, panay ang ‘bahala na’ sa sarili.

Splaasshh. Mapuwersa ang pag-dive ng binata. Naabutan niya sa ilalim ng tubig ang dalagang nakahubad. Nauuna si Dolores, si Paolo ay nasa gawing paanan nito. Kung anu-ano ang nakita ng binata sa dalaga; panay tuloy ang buntunghininga.

“Paolo, walang galleon. Kathang-isip lamang ng matatanda ang galleon—siguro’y sa ibang karagatan nangyari…” Sa pagtataka ni Paolo, nasasagap niya sa isip ang sinasabi ni Dolores.

Sumagot siya, sa isip din. “Malawak ang pusod ng dagat, Dolores. Paano kung nasa kabilang bahagi?”

Sa lalo pang pagtataka ni Paolo, nakatagal na pala sila sa ilalim ng dagat nang higit kalahating oras nang walang hingahan.

At buhay pa rin sila. “Amazing!”

May itinuro si Dolores sa pusod ng dagat.

Nayanig si Paolo nang maunawaan kung ano iyon. “Oh my God…”

Napakaraming ataul na nakabukas, laman ang mga bangkay ng kababaihan—karamihan ay mga bata pa, pawang magaganda. (ITUTULOY)

DOLORES

HANGGA

HELLIP

HUWAG

INIWASAN

KATHANG

KUNG

PAOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with