^

Pang Movies

Atasha, gusting mag-explore sa pelikula!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Atasha, gusting mag-explore sa pelikula!
Atasha Muhlach
STAR/ File

Ang dami pang gustong tuklasin ni Atasha Muhlach sa showbiz.

Pero siyempre, nakatutok siya sa kasalukuyan sa pagganap bilang Annie Batungbakal sa Bongga Ka ‘Day, The Annie Batungbakal Musical.

At physically, handa na si Atasha na nagpa-sample sa nakaraang 40th anniversary ng The Philippine STAR na ginanap sa Gallio Events Hall, Parañaque City noong nakaraang Martes.

Mas confident na talaga siyang mag-perform kasama ang iba pang magiging bida sa Bongga Ka ‘Day... Mag-uumpisang mapanood sa Sept. 18 sa Newport Performing Arts Theater ang Bongga Ka ‘Day, The Annie Batungbakal Musical.

Anyway, kasama sa mga gustong diskubrehin ni Atasha ay ang paggawa ng pelikula.

Hindi na siya bago of course sa acting dahil nagbida na ang isa sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez sa local adaptation ng Bad Genius.

Ayon kay Atasha, nangunguna sa kanyang listahan ang rom-com film.

Nabanggit din niya sa isang nakaraang interview na pangarap niyang gumanap na Dyesebel.

Maaalalang gumanap noong Dyesebel ang mommy niyang si Charlene – 1996.

At aniya sa interview ng preview.com: “I would really love to do Dyesebel if I had the chance because that is something that I saw growing up,” sabi niya. “I used to think that my mom was a mermaid, and as a kid, I thought that I’d turn into one, so to be able to experience a role like that would be truly an honor.”

Walang magiging problema if ever na gumanap siyang Dyesebel dahil sanay na siya sa tubig. Noong mga bata pa sila ni Andres ay may farm sila sa Batangas na malapit sa beach.

May aviary pala sila sa nasabing farm. Naalala ko lang na mga one of a kind ang mga parrot na alaga ni Aga sa kanilang property sa Mataas Na Kahoy.

Asan na kaya ang mga ibon na ‘yun ni Aga?

Facing Taal Volcano/Lake ang nasabing property nila na ang alam ko ay naibenta na nila.

Para kang actually nasa paraiso sa ganda ng lugar na ‘yun.

Anyway, going back to Atasha, sandali nga pala niyang nakausap sa nasabing 40th anniversary ng Philstar si Santi Belmonte, bunsong anak nina Sir Miguel and Milette Belmonte.

Ahead si Santi ng one year kay Atasha sa British School Manila.  Naglalaro raw si Santi sa boys’ basketball team nila habang si Atasha naman ang star player ng girls’ basketball team.

Pero nang magkita sila, parang nagkaroon sila ng short catching up.

At rate, available na tickets para sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical sa Ticketworld. Shows start Sept. 18, 2026.

Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical is produced by Newport World Resorts in partnership with The Philippine STAR and VIVA Entertainment. Special thanks to Century Tuna, Dunkin and Clara Ole.

ATASHA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with