^

Pang Movies

Robin, may hamon kay Ted!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Robin, may hamon kay Ted!
Robin

May reaksyon si Sen. Robin Padilla sa binanggit nitong pamemersonal sa kanya ng broadcaster na si Ted Failon.

“Kung banatan ako nitong si Ted Failon, akala mo hindi ko siya kaibigan. Sa totoo lang, namemersonal pa. Napakasakit isipin, alam naman niyang may asawa ako, babanatan niya ako ng gano’n. Eh, di ikaw na pinakamagaling na lalake kung gusto mo,” paunang pahayag ni Robin. “Siguro kung ipapalandakan mo ‘yan, sasabihin mong Bobo ako. Eh, sana binalikan mo kung sino ang nagsabi noon. Ang nagsabi ng perjury si Senator Lacson. Sinundan ko lang. Sinabi ko lang na Tagalog ng perjury ay sinungaling,” ayon pa kay Robin.

Nilinaw ni Robin na ang paggamit niya ng salitang sinungaling ay pagsasalin lamang at may kinalaman sa perjury. Umaasa rin si Robin na magkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap ni Ted Failon para ipaliwanag ang side niya sa nasabing isyu.

Wala pang sagot si Ted Failon sa pahayag na ito ni Robin. Dahil sabi nga ni Senador/aktor, magkaibigan sila, paniguradong papayag si Ted na magkausap sila para magkapaliwanagan.

Dingdong, pinaiyak si Shuvee

Mawawala na ang karakter ni Shuvee Etrata sa The Master Cutter at sa pagbababu ng karakter nito, may appreciation post si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram.

“First met @shuveeetrata on Amazing Earth when I interviewed her. But it was on The Master Cutter where I really got to know her. Kahit sa set, lagi niya kaming binibigyan ng mga Bisaya challenges. That just her... always jolly, authentic, and unapologetically herself. Parati pa namimigay ng ice cream! What makes it even more special is seeing that same authenticity translate into her craft. Seeing what she did with Tonnette just proves she’s got so much more to offer as an actress. Never lose that spark(le), Shuvee. It’s your superpower.”

May sagot si Shuvee sa post ni Dingdong. “Kagabi pa po ako umiiyak! Kuya Dong, thank you po dahil ma­rami po akong natutunan sa inyo. Isa ka sa pinakamagaling na artista at pinakamabait sa lahatttt! Di alam ng lahat na may kulit din ikaw, kahit na ikaw na si “Mr. Dingdong Dantes”!!! Habangbuhay po mananatili sa akin yung mga memories po natin lahat dyan sa set! Thank you dahil tinanggap niyo pagka Bisaya ko. At higit sa lahat, thank you sa pagmamahal niyong lahat! Dadalhin ko po lahat yun sa puso ko forever!!!”

Maraming viewers ang nalungkot na hindi na mapapanood si Shuvee bilang si Tonette sa The Master Cutter. Sunod siyang mapapanood sa Code Gray, kasama naman si Alden Richards.

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with