Sens. Win at Risa, nakikiuso sa loveteam

Hindi lamang sa showbiz uso ang loveteam kundi maging sa senado.
?Sa nakaraang ika-limang State of the Nation Addess (SONA) ni Panagulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kapansin-pansin ang pagiging game nina Senate President Win Gatchalian at Sen. Risa Hontiveros sa pagpu-pose sa harap ng press photographers na magkasama giving their Korean heart sign na mukhang sinasakyan lamang ng dalawa.
?At 52, nananatiling single pa rin hanggang ngayon si SP Win habang si Sen. Risa ay isa nang single parent sa kanyang apat na anak sa yumao niyang asawa na si Francisco Baraquel, Jr. na sumakabilang-buhay nung 2005 dahil sa atake sa puso.
?Unlike nung mga naunang SONA ng Pangulo na ang dating beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo ang kasama ni SP Win, sa recent SONA ni Pangulong Marcos ay ang pamangkin niyang si Lexi ang kanyang bitbit habang si Sen. Risa naman ay kasama ang kanyang bunsong anak na si Sinta.
?Dahil sa namumuong ‘loveteam’ sa senado nina SP Win at Sen. Risa, hindi malayong magtambal ang dalawa sa 2028 national elections.
?Mukha namang nasunod ang pagiging simple (but elegant) ng mga kasuotan ng dumalong politicians and their respective partners at mga bisita sa nakaraang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. dahil naiwasan na ang pabonggahan ng kanilang mga kasuotan pati mga alahas ng senatorial and congressional spouses gayundin ang mga bisita na nagsidalo sa nasabing much-awaited political event.
?Maraming mga senador ang hindi nakadalo sa nasabing SONA at kasama na rito ang marami sa minority block na pinangungunahan ni Sen. Alan Peter Cayetano. Hindi rin nakadalo si dating Senate President Tito Sotto dahil masama umano ang pakiramdam nito gayundin si Sen. Panfilo Lacson.
?Bitbit naman ni Camarines Sur Governor na si Luigi Villafuerte ang kanyang fiancée na si Yassi Pressman. Dumalo rin si Rep. Lani Mercado (ng 2nd district ng Cavite) minus her husband na si dating Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. Naroon din si Manila Mayor Isko Moreno at marami pang iba.
Christophe, gusto sanang itago ang cancer
?Tatlong taon ding naitago sa publiko ng non-showbiz boyfriend ni Nadine Lustre, ang Filipino-French businessman na si Christophe Bariou, ang kanyang rare lymphoma (cancer) illness.
?Mukhang nasa late stage na ng kanyang sakit na kanser si Christophe nang ito’y ma-diagnose ng mga doctor and was given three years to live. Pero hindi nawalan ng pag-asa ang nobyo ni Nadine at ito’y sumubok ng pagpapagamot sa specialized hospital in France at siya’y milagrong gumaling.
?Gusto na lang sana ni Christophe na tuluyan na lamang itago sa publiko ang kanyang naging ordeal in battling his illness, pero na-realize niyang kailangan din niya itong ibahagi sa iba para mapagkunan ng inspirasyon at pag-asa ng mga taong sumusuong din sa ganitong sakit at sitwasyon.
?Si Christophe ay matagal nang naka-base in Siargao kung saan din may sariling bahay roon ang kanyang kasintahang si Nadine.
- Latest



















