^

Pang Movies

Naadik sa kuwento!

Salve V. Asis - Pang-masa
Naadik sa kuwento!
Ian

MANILA, Philippines — Ahh nag-congratulate na si Ian Veneracion kay Bea Alonzo nang minsang magkita sila.

At masaya ang actor para sa actress na ang alam niya ay ikakasal na na sa bilyonaryong si Vincent Co.

Nakausap nga ng ilang entertainment media si Ian pagkatapos ng preview ng Drug War: A Conspiracy of Silence nung isang gabi na ginanap sa Shangri-La Mall.

“Oo, nagkita kami accidentally. A few times,” sabi ni Ian.

Dagdag niya: “Hina-hug ko lang. Sabi ko sa kanya, ‘I’m so happy for you, congratulations!’ She seemed very, very happy. Marami siyang utang na kuwento.”

Pero hindi pa raw sila tumatambay at nagkukwentuhan nang mahaba.

“Saka gusto kong makilala si Vincent (Co), siyempre. He must be someone special and he must be a really nice guy... for Bea to fall in love with. So I’m happy to spend time with them. At maka­kwentuhan ko sila sana in the future.

“She would be a wonderful wife and mother. I’m sure about it. So I’m really really happy for both of them,” sabi pa ng actor sa mga kaharap na entertainment media.

Matagal na raw silang magkaibigan ng actress at hindi na raw nito kailangan ng advice.

Obviously, hindi aware si Ian sa intrigang, as of this writing, hindi na raw tuloy ang kasal nina Bea at Vincent Co.

Diumano’y may naka-particular na hindi nag-agree si Bea sa pre-nuptial agreement na inihain sa kanya ng kampo ng bilyonaryong negosyante.

Pero naniniwala rin ang aktor na magiging mabuting asawa at nanay si Bea, “I am sure of it. I am really happy for both of them.”

At nang may humirit kay Ian kung inimbita ba siya ni Bea sa wedding, “Matagal na kaming magkaibigan. Alam niya mahal ko siya. Hindi ko alam kung imbitahin ako, sana.”

As of this writing ay kalat na kalat na nga na wala nang kasalang magaganap sa Spain o kahit sa Manila pagkatapos kumalat ang marriage banns nila sa social media sa isang simbahan sa Paco, Manila.

Anyway, pagkatapos ng Nanahimik Ang Gabi, bibida ulit si Ian sa isang proyekto ng Rein Entertainment katuwang ang KC Global Media, ito ngang Drug War: A Conspiracy of Silence, six-part series na malapit nang mapanood.

Ibang-iba ito sa mga nauna na niyang ginawa halimbawa ay isang mapagmahal na mister o asawa, mabuting ama, lover boy o isang pulis na minsan ay masama at minsan ay mabuti – this time isang pari siya rito sa Drug Wag: A Conspiracy of Silence. At hindi basta ordinaryong pari si Fr. Tom, nag-aalaga siya ng mga durugista at tinutulungang magbagong-buhay,

Kaya aminado ang actor nung nabasa niya ang script nito, naadik kaagad siya kumbaga.

“I’m very proud of this project. Nung una ko lang nabasa ko ‘yung script. Hindi ko alam paano namin gagawin nu’n because of the schedule and stuff. But I felt I really have to be part of this because we have to tell the story. Because it’s the story of our people and it’s a part of our history and our humanity. And ngayon na panood ko, bumabalik sa akin lahat ng emotion ni Father Tom (ginampanan niyang papel).

“Because as an actor, parang my job is to go through that life emotionally at least. And now it brings back memories. So parang mabigat. Pero sobrang natutuwa ako sa cinematography, sa editing, at sa storytelling ni Direk Shugo (Praico). And sana, sana maraming makapanood because kwento natin ‘to eh. Tayo to, eh.

“So sana mapanood ng mga taga-ibang bansa rin. Kasama rito ‘yung kagandahan ng ugali nating mga Pilipino at ‘yung mga hindi rin magandang parts natin. Kasama ‘yun eh.

 “And it raises a lot of questions also. And sabi nga ni Direk Shugo, ‘yun ang gusto natin to have a conversation about it. And hopefully find better ways of doing things and better policies and better systems,” mahaba niyang kuwento tungkol sa kuwentong tinalakay ng pelikula.

Dagdag niya pa, lagi niyang gustong katrabaho sina Direk Lino (Cayetano), Direk Shugo at ang buong Rein Entertainment.

“Sabi ko nga, actors’ paradise ang production na ito, ang Rein Entertainment, because from the actual set, to the quality of materials, the quality of story, the quality of lives, while we’re shooting, napakasarap na experience.

“Si Direk Shugo nga, hindi ka niya tuturuan kung ano ang gagawin mo, hindi ka niya tuturuang umarte, basta sasabihin niya sa iyo ang pinanggagali­ngan mo emotionally.

“Nakaka-inspire as an actor, dahil lalo mo na ngang gagawin ang work mo. Sa akin kasi, ibang-iba ang pers­pective ko sa mga lugar na pinupuntahan namin.

“Kung pupunta ako roon as Ian, iba ang makikita ko. Baka ang hanapin ko ay kung saan ba may privacy na puwedeng umupo. Pero ‘pag pumunta ako roon as different character in my head,   as Father Tom, parang nandun ka, nakikita ko ang nakikita ng character ko, ni Father Tom.  

“Pati maliliit na bagay na napaka-importante sa kanila, na nakakaantig ng puso. ‘Yung character ko, marami siyang struggles sa sarili niya, kaya magandang mapanood talaga ang six episodes,” kuwento pa ni Ian na kasama ang anak sa ginanap ng press preview noong Huwebes ng gabi.

“May journey na mahirap na pinagdaraanan ang character ko. May sarili siyang bias, may sarili siyang paniniwala,” dagdag pa ni Ian.

 Sa totoo lang sa unang episode pa lang, pasabog na ang mga ganap.

At totoong may kakaiba ka ngang mararamdaman.

Nakakagalit, nakakagulat at nakakawindang ang mga pangyayari sa kuwento na parang andun ka rin.

Lalo na at may mga eksena na sa mismong lugar na pinangyarihan ng krimen sila nag-shoot. Kaya’t nadala nila sa mga eksena ang tunay na nararamdaman ng mga naganap na karahasan.

Maayos ang pagkakalatag ng kuwento kaya mas malakas ang dating.

 Anyway, sa chikahan pa rin kay Ian, napangiti naman siya nang tanungin tungkol sa nabuong relasyon nina Daniel Padilla at Kaila Estrada, na mga nakasama niya sa Incognito.

Natatawa na lang siya. “Hindi ko pa alam, basta love ko silang dalawa. Alam nila ‘yon.

 “Kung ano man ang desisyon nila sa buhay, sigurado ako na they will succeed, and find happiness,” parang napipilitan na lang na sabi ni Ian sa mga entertainment press na hindi siya tinigilan.

Isang network, may major revamp sa production

Magkakaroon pala ng major revamp sa production department ng isang network.

Maglalagay raw ng mga bagong creative team dahil parang wala na raw lumalabas na new ideas sa mga kasalukuyang nakaposisyon.

Kahit daw ang mga title ng ilan nilang programa ay paulit-ulit na.

Kaya asahan daw na magkakaroon ng changes sa production nito anytime.

Napansin daw kasi ng mga executive na very old school ang atake sa series nila kaya naghahanda sila sa isang major shake-up sa nasabing network.

Erik nasorpresa, na-excite sa bagong format ng ASAP

Para kay Erik Santos, magandang bagay ang pagbabago ng format ng ASAP na hindi na sa studio mapapanood at hindi na rin sa tanghali.

Mag-iikot na sila sa iba-ibang venue at concert na ito.

“Hapon na siya, 5.30 p.m., primetime na po siya. ASAP Experience, ASAP-XP, meaning lahat po ng ASAP in the coming days, in the coming Sundays, ay magiging out of the studio na.”

Aniya totally, new format ito. “Pero ganun pa rin. Parang ‘yung inumpisahan po namin dito sa Araneta. So ‘yung susunod po, mga provinces,” sabi pa ni Erik nang makausap naman sa Swiss Proli: Heroes of Home Award kung saan ay naghandog siya ng special song para sa mga pinarangalang ina ng Swiss Proli.

“Noong una, medyo surprised kasi syempre bilang mainstay po ng ASAP. Nasanay po kami na 12 noon ‘yung show. Tapos biglang 5:30 p.m. So parang medyo iba po siya sa amin. Pero ang maganda po, parang nagkaroon kami ng bagong sense of excitement. Na parang wow, andami pa palang ibibigay ng ASAP,” pag-amin pa ni Erik.

Dagdag pa niyang kuwento: “Noong nag-meeting po kami, tapos nag-usap kami about the production numbers na pwede pa namin ibibigay, after 31 years, andami pa palang pwede ibibigay ng ASAP.”

Ganun na siya katagal sa nasabing musical variety show: “So 31 years na po ‘yung ASAP since 2003 po ako. Twenty-three years. Nag-leave lang ako ‘pag meron akong tour abroad. Pero ever since po, yeah, always. Mainstay po ako ng ASAP.”

IAN VENERACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with