Bela, may pasaring kay Robin?!

Tinanong si Bela Padilla kung para kanino ang tweet niyang “Just us to adjust. As always.” Pati kung ano ang ibig niyang tukuyin, gusto ring malaman ng fans, kaya lang, hanggang kahapon, wala pa ring sinasagot ang aktres.
May nag-akalang para ito sa pagpasok ni Sen. Robin Padilla sa action series na Blood vs. Duty na kasama si Bela sa cast. Kaya lang, wala naman yatang eksenang magkasama ang dalawa na incidentally, related.
May nag-akala namang patungkol ito sa kaibigan ni Bela na nabalitang nagkaroon sila ng conflict.
And speaking of Blood vs. Duty, pati si Bela tinanong kung kailangan daw ba talagang ipasok si Robin sa action series? Ang dami naman daw aktor na puwede sa role niya at kahit hindi Muslim, magagampanan ang role na ibinigay sa senador.
Ang daming hindi maka-move on na kasama na si Robin sa series ng ABS-CBN, ipinaabot nila sa management ang kanilang reklamo at saloobin. Tama ang argumento ng isang casual fan na mas may impact kung si Robin ang gaganap sa role na ibinigay sa kanya. Maingay nga naman ang tao at makakatulong ito sa series.
Alden, magbababad sa Siargao
Nasa Siargao na ang cast ng Viu, Viva at GMA collab series na Love, Siargao sa pangunguna nina Nadine Lustre at Alden Richards. Kasama sa cast sina Kyline Alcantara, AZ Martinez, Kim Jisoo, Coleen Garcia, Adrian Lindayag at Kakki Teodoro.
Naintriga ang netizens sa isang kasama sa cast dahil kamukha raw ni Davao City Mayor Baste Duterte. Kaya lang, hindi si Mayor Baste ang nasa larawan, siya ay si Christopher Diwata, ‘yung sumikat dahil sa “What hafen Velaaa” dialogue niya sa It’s Showtime. May mga nagbiro tuloy na may napuntahan ang mali-mali nitong pronunciation dahil artista na siya.
Nabanggit na ni Alden na matagal sila sa Siargao dahil tatapusin ang mga eksena bago sila bumalik ng Manila. Pagbalik nito, ang medical series na Code Gray naman ang paghahandaan nila.
Carla at Mister na Doc, sa tatlong bansa ang honeymoon
Sa interview sa kanya sa 24 Oras, ibinalita ni Carla Abellana na matutuloy na ang delayed honeymoon nila ng husband niyang si Dr. Reginald Santos. Sa Europe ang honeymoon ng mag-asawa at nabanggit ng aktres ang France, England at Italy na kanilang pupuntahan.
Hindi lang nabanggit ni Carla kung kailan sila aalis dahil three countries ang pupuntahan, parang magtatagal ang mag-asawa. Wish ng fans niya, pagbalik nila, buntis na siya.
Nagpa-freeze ng egg si Carla, pero hindi na yata niya kailangan ‘yun dahil nga may asawa na siya. Saka, hindi na nila magiging problema ang pang-tuition ng magiging anak nila. Nabanggit ni Carla na ‘yung Hermes bag niya, iniingatan niya para sa tuition ng mga magiging anak nila ni Doc Reg.
Worth P2 million ang nasabing bag at baka magmahal pa ang value by the time na mag-aaral na ang mga anak nila ng asawa.
- Latest





















