^

Pang Movies

Cesar, iwas na sa pulitika!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Cesar, iwas na sa pulitika!
Cesar

Mas kalmado na ang buhay ngayon ni Cesar Montano.

Hindi na siya gaanong aktibo bilang aktor, pero activated ang kanyang pagiging artist. Sa kasalukuyan ay nagpipinta siya at pabalik-balik sa Bohol.  “Mas may kapayapaan ang buhay ngayon. Masarap ang buhay. Lagi lang ako sa Bohol, sa tabing dagat; doon lang ako nagpipinta. May property ako sa may tabing-dagat,” sabi niya nang kumustahin namin two nights ago sa Kamuning Bakery kung saan isa siya sa mga naging guest sa ginanap na Pan De Panitikan: Poetry Night & Open Mic Session... An intimate evening of poetry, stories, and spoken word sa historic Kamuning Bakery Cafe (baking happiness since 1939), now 87 years old.

Ito rin ang dahilan kaya hindi na siya nakukumbinsing bumalik sa pulitika.

Ang dami raw kumakausap sa kanya upang tumakbong governador, pero wala na ‘yun sa isip niya. “Governor daw, pero sabi ko support na lang ako. Mas maganda kapag support na lang,” susog niya.

Mas enjoy raw talaga siya na mag-pray, mag-exercise at makipag-bonding sa kanyang dalawang apo.

Turning 64 na ang actor na may 10 anak pero aniya wala pa siyang kahit anong maintenance. Habang ang mga kasabayan ng actor, marami nang iniinom na gamot pero si Cesar, wala raw talaga.

Kaya tinanong namin kung ano ba ang sikreto niya: “I exercise everyday. I eat less; target ko palagi is one meal a day,” sabi niya.

Tuwing malapit daw sa lunch ang kain niya. “Or minsan a little over lunch ako kakain.”

Basta consistent daw siya sa one meal a day.

No meat din at lahat isda at gulay lang, pescetarian ang tawag sa ganun. “Minsan pinakbet na gulay lang na walang meat. Black rice ako, hindi na ako nag-white rice,” dagdag pa niyang kuwento sa amin.

Naalala pa niya na: “Historically, isang beses lang kumakain ang mga tao. Noong 1800, nauso ang mga restaurant. Tinuruan tayo na kumain ng three times a day, which is harmful,” kuwento pa niya tungkol sa habit ng karamihan na pagkain ng tatlong beses sa isang araw na minsan nga ‘yung iba hindi lang tatlong beses.

Wala rin daw canned food sa kanilang bahay. Ganundin ang soft drinks. “Soft drinks or processed food, bawal sa bahay. Anything that has white sugar, ayoko.”

Very light din lang ang exercise niya, hindi daw kailangang todohan. “Walking lang. Hindi naman kailangan heavy weight, pushups lang. May pull-ups ako sa CR, so I can carry myself.”

Pagdating naman sa tulog, six to eight hours aniya. “Kapag hindi ako masyadong nakatulog sa gabi, bawi ako sa nap sa hapon. Mga nine hours, nine talaga dapat,” pagkukuwento pa ni Cesar na kasasaluku­yang naghahanap ng producer sa plano nilang musical play ng life story ni Rizal kung saan meron na siyang mga nakahandang kanta. Identified na Rizal ang actor dahil sa iconic movie niyang Jose Rizal na obra ni Marilou Diaz-Abaya.

Samantala, nag-enjoy si Cesar sa Pan De Panitikan. Naniniwala siyang importante ito para mas mailabas ng mga kabataan ang kanilang emosyon.

At ang chorus ng kanyang kanta/tula na binasa sa nasabing kauna-unahang Pan De Panitikan “Sundin mo ang puso habang may panahon, mahalin ang ibang tao tulad sa sarili mo.

“Gamitin mo ang iyong talento sa paggawa ng wasto. Sa lahat ng bagay maging tuwid at totoo, Iwasan maging ganid, sa sakto makuntento.”

Anyway, magkaroon ng solo exhibit ang actor this May na naibebenta ng bawat obra mula P200,000 up to P2 million. Abstract ang kanyang style. 

Ang Pan de Panitikan ay celebration ng pagsasama-sama ng poetry, music and community sa 87-year-old Kamuning Bakery Café. Idinaos bilang parangal sa Buwan ng Panitikan, binigyan nito ng ibang vibes ang heritage bakery.

 Kabilang sa mga dumalo ang mga kilala at pampanitikan - UST music student Haraya Coroza; Dr. Michael Coroza, Chairman of Unyon ng Mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), Ateneo professor, and modern champion of Balagtasan as an art of entertainment; UP Professor Dr. Vim Nadera; Kamuning Bakery Cafe proprietor, columnist, and poet Wilson Lee Flores; actor César Montano, who delivered nga an original poem he hopes to see set to music; UST journalism professor, columnist, and Movie and Television Review and Classification Board Board Member Nestor Cuartero; Mga Tula at Tala book author Ron Canimo; and Kapirasong Sulat book author and TV5 segment producer Regina Amit.

Present din ang environmentalist Red Constantino of the Constantino Foundation, Freddie Lazaro of the GUMIL Ilocano writers’ association, and a chorus of emerging young poets.

Plano ni Wilson Flores na magkaroon ng Pan De Panitikan every last Friday of the month, welcoming not only poetry but also music, spoken word, theatrical excerpts, storytelling, monologues, book launches, and other literary forms.

Interested artists and attendees may reach out to them via text or Viber to 09178481818, Clarissa at 09537121878, or Lanie at 09234479291, or maaaringbumisita sa Kamuning Bakery Café.

CESAR MONTANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with