^

Pang Movies

Klea at ex, may puksaan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Klea at ex, may puksaan!
Janella Salvador at Klea Pineda

Nagpupuksaan ang fans ng love team nina Klea Pineda at Janella Salvador at Katrice Kierulf at Chezka Carandang sa Instagram ni Klea. Ito ‘yung post ni Klea na nagtatampisaw sila ni Janella sa beach at may caption na “Somehow, you make the noise disappear.”

Kinakiligan ng maka-Klea at Janella ang caption pero inakusahan silang gaya-gaya ng maka-Katrice at Chezka dahil may post din ang new lovers na nasa beach silang dalawa. Nagdagat lang daw sina Katrice at Chezka, nagdagat na rin sila na sinagot ni Klea. “Ganito ba comment ng mga taong hindi nag-iisip?” na sinagot ng maka-Katrice ng “Ganito din ba mag-isip ang mga taong manloloko tulad mo?” Hindi na sumagot si Klea, ang fans nila ni Katrice ang nagpatuloy ng sagutan at ipinagtanggol nila si Klea sa pagtawag sa kanyang cheater.

May basher pa sina Klea at Janella na humirit ng “Wow ang sweet! Kelan kaya magbebreak toh? Hmmm sige i will give 4 years para tumagal tagal naman ng konti.”

Kung si Klea, cheater daw, ang akusasyon naman kay Janella ay nilandi raw si Klea kaya nag-break ito at si Katrice. Ang daming alam ng fans at inunahan na nila sina Janella at Klea, ano raw ang mangyayari sa binili nilang lote kapag sila’y nag-break? Dapat daw maayos ang document para ‘pag nagtapos ang relasyon nila walang demandahan at scandal na mangyayari.

Bahay ni Kuya, ililipat na sa probinsiya?! 

Sari-saring comments ang mababasa sa balitang lilipat na ng bahay ang Pinoy Big Brother (PBB) at sa new season, hindi na raw sa location ng PBB ngayon ang gagamitin. May mga nagsabi na baka sa ABS-CBN Soundstages sa San Jose Del Monte sa Bulacan na ang gagamitin.

 

 

KLEA PINEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with