^

Pang Movies

Priscilla, malaya na kay John!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Priscilla, malaya na kay John!
Priscilla

Matapos ma-grant ang divorce nina John Estrada at Priscilla Meirelles sa Brazil, nag-file naman ng petisyon ang huli sa Que­zon City Regional Trial Court para ma-acknowledge sa Pilipinas ang kanilang diborsyo.

Ipinost ng dating beauty queen sa kanyang Instagram Story ang official statement mula sa kanyang abogado regarding the petition.

“On February 27, 2026, our client PRISCILLA MEIRELLES DE ALMEIDA filed a Petition for Recognition of Foreign Divorce before the Regional Trial Court of Quezon City,” ang simulang saad ng statement.

Nakasaad din sa official statement na na-divorce na sina John at Priscilla noong March 25, 2025 sa Brazil kaya naman hinihiling niya na ma-acknowledge ito sa ating bansa

“After much contemplation, Priscilla decided to file this Petition in order to formalize her civil status, and to ensure all her official documents reflect this change,” bahagi pa ng statement.

Nakasaad din na ang pagpapa-file ni Priscilla ng petisyon ay isang major step upang isara na ang kabanata nila ni John at magsimula ng panibago as a single woman

“On a more personal note, Priscilla consi­ders this to be a significant step in her journey towards healing, closing a chapter of her life, and starting a new beginning as a single woman,” pagtatapos ng statement na pirmado ng kanyang apat na abogado.

Saad naman ni Priscilla sa caption, “I am immensely grateful to my dedicated and incredible team of lawyers for their relentless support throughout this journey.”

Pagtatapos pa ng ex-wife John, “Malayo pa but Malaya Na.”

Claudine, may pinakawalan tungkol sa Ex

Ang daming naintriga sa recent post ni Claudine Barretto para sa isang dating nakarelasyon na gustong bumalik sa kanya.

Sa kanyang Facebook account ay makikita ang matapang na mensahe ng aktres para sa kanyang ex na winasak umano ang kanyang puso.

“You broke me & now u want me back? wala akong binabalikan!” ang statement ni Claudine.

Pero sa huli ay nilinaw naman niyang hindi raw ang estranged husband na si Raymart Santiago ang kanyang pinatutungkulan.

“Di po asawa ko,” aniya.

Marami ang nagtanong sa comment section kung si Mark Anthony Fernandez ba ito kaya naman agad na nagbigay ng pagli­linaw si Claudine.

“not Mark Anthony Fernandez he is a wonderful human being,” sey ng Optimum Star.

May mga nagsabi ring baka ang kapatid ni Korina Sanchez na si Milano Sanchez ang tinutukoy ni Claudine since ito ang huling na-link sa aktres, pero hindi na niya ito sinagot.

Ang iba naman ay pinayuhan siya na mag-focus na lang muna sa kanyang career at mga anak upang hindi masaktan.

PRISCILLA MEIRELLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with