Michael Bublé, nakipag-duet ng Tagalog Kay Sofronio

Official na ang collab nina Sofronio Vasquez at Michael Bublé.
Magsasama ang dalawa para sa isang holiday single, isang cover ng kantang Maybe This Christmas ni Michael na ilalabas bago matapos ang buwan na ito.
“When you’re new, you pray for someone to give you a chance. Michael Bublé didn’t just give me a shot, he gave me his time, his wisdom, and his voice. I’m still in disbelief,” caption ni Sofronio sa kanyang post sa Instagram.
Sinabi naman ni Michael sa comments section, “I can’t wait for them to hear the Tagalog lyrics!”
Nagbigay ng karangalan si Sofronio sa Pilipinas nang manalo siya sa The Voice USA noong nakaraang taon. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo sa kompetisyon sa ilalim ng Team Michael.
Noong nakaraang Hulyo, inawit ni Sofronio ang pambansang awit ng Pilipinas sa State of the Nation Address.
Nauna nang nagbigay pahiwatig si Sofronio na gumagawa siya ng isang EP kasama sina Michael, David Foster, at Paul Anka.
Lechong-biik ni Marvin, nag-triple ang costumer
Pagkatapos makatanggap ng pamosong Michelin Bib Gourmand ang negosyong Cochinillo o lechong-biik ng aktor at chef na ngayong si Marvin Agustin, pinangako niya na mas maglalabas pa sila ng mga kakaibang putahe na papasa sa panlasa ng Pinoy.
Aminado ang actor-turned-chef/restaurateur na hindi madali ang food business. Matapos makuha ang award, nagtriple umano ang mga kostumer nina Marvin at ang ma-maintain ang service ng kanilang restaurant ang malaking challenge.
“Cochi is inspired by my childhood recipes and my travels. Bib Gourmand is for restaurants that’s serving, not necessarily cheap and affordable, but value for money.
“Siguro tinitingnan nila kung ano ‘yung level ng restaurant na merong Michelin Guide. Kasi this is something very unfamiliar ‘to Filipinos. Maski nga sa akin, honestly, medyo unfamiliar ako du’n sa buong process.”
Nang tanungin kung bakit naisipan ni Marvin na putaheng kotsinilyo, sagot niya:
“Well, I love lechon. Minsan, nagbibiyahe pa ako ng Cebu para lang kumain ng lechon ‘pag ako’y nalulungkot. So, during pandemic, I learned how ‘to bake. ‘Yung kaibigan ko na nagsu-supply ng malaking ovens, binigyan niya ako ng gives.
“I’ve been doing it for like almost two years during pandemic. Dumami nang dumami ang orders. I had ‘to talk ‘to every customer sa lahat ng mga naging problema namin. ‘yung iba, naging mas loyal pa sa amin. ‘Yung iba, mas naging kaibigan namin kasi parang nakita nila like sincerity du’n sa mistake na nangyari sa amin,” kuwento niya.
- Latest





















