Broadcast journalist, nangmanyak
May sabit na pala ang isang broadcast journalist ayon sa aming source na naging viral nung kasagsagan ng mga nagdaang bagyo.
In fairness, guwaping naman kaya kaibig-ibig din, huh!
Eh dahil nagkaroon ng instant fame, hayun, lumalandi umano sa ibang babae! Nadadala nga lang kung minsan kaya hindi maiwasang maakusahan na nangha-harrass, huh!
Eh isang female broadcaster ang nagbabalak siyang ihabla dahil sa ginawa nito sa kanya na ikina-offend ni girl!
Kapag wala raw aksyong ginawa ang management ng male journalist, nangangamoy demanda ang balak ni girl!
Robin, binalikan si Boss Vic!
Tatay na ang turing ni Senator Robin Padilla kaya Boss Vic del Rosario ng Viva Communications!
Ilang beses nang sinabihan ni Boss Vic si Senator Robin na gumawa muli ng pelikula!
And finally, nagkaroon ito ng katuparan dahil pumirmang muli ng kontrata ang Senador sa Viva.
Ang unang pelikula ni Robin sa Viva after ng ilang taon ay ang Bad Boy 3. Soon ay ang Maging Sino Ka Man Part 2. Kapwa blockbusters ang pelikulang ito noon!
Kasama rin sa deal ay mapapanood ang limang pelikula ni Robin sa lahat ng Viva platforms gaya ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo, 10,000 Hours at iba pa.
Dala pa rin ni Robin ang Angas trademark at ang action moves niya at hindi hadlang ang edad niya upang magdahan-dahan ang OG ng Pinoy action movies!
- Latest





















