^

Pang Movies

Tony at EJ, tinilian ang lovemaking

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Tony at EJ, tinilian ang lovemaking
Tony at EJ

Alam mo, Salve A., dalawang entries (out of seven entries) ng inaugural presentation ng CineSilip Film Festival na pinamamahalaan ng festival executive director na si Ronald Arguelles ang pinanood namin.

Una naming pinuntahan ang red carpet premiere ng pelikulang Pagdaong na pinagbibidahan ng aming alagang si Angela Morena who plays the role of Luna, isang poem writer na madalas tanungin ng isang babaeng estudyante na si Jane kung ano ang kahulugan ng kanyang mga sinusulat na poems na naka-base sa isang babae na ang pangalan ay Ella.

The entire film was shot sa isang magandang beach resort in Allen, Eastern Samar kung saan ang buong cast at bumubuo ng production na pinamumunuan ng director at film producer na si Pongs Leonardo ay nainlab sa lugar at worth it naman ang kanilang 24-hour trip (by land) mula Maynila hanggang Allen, Samar via Matnog.

Bukod sa magandang kuwento ng Pagdaong, matutulungan ang turismo ng Allen, Samar sa pamamagitan ng pelikula.

Pagkatapos ng premiere night ng pelikulang Pagdaong ay hinintay na lamang namin ang kasunod na pelikula, ang Dreamboi kung saan tampok na mga bituin sina EJ Jallorina at Tony Labrusca.

Base sa pelikula, ito’y kuwento ng isang trans na si Diwa na ginampanan ng dating child actor (ng Goin’ Bulilit) na si EJ Jallorina na nagpapantasya sa lovemaking sound na regular niyang pinakikinggan hanggang personal niya itong ma-discover at makita ang actual lovemaking ng isang couple sa isang basement na malapit lamang sa isang lumang restroom ng building kung saan siya nag-o-office pero madalas maitsapuwera sa ladies’ room dahil isa siyang trans.

Ang pantasya ni Diwa sa lalaking kanyang nadidinig lamang sa sounds and eventually ay nakita ay nagkatotoo sa pagitan nila ng guy na ginampanan ni Tony.

Sigawan sa loob ng full house cinema na karamihan ng audience ay binubuo ng LGBT community.

Masasabi naming ito ang pinaka-most daring movie na ginawa ni Tony in his entire career na kamuntik pang hindi maipalabas dahil nabigyan ito ng X-rating twice ng MTRCB pero sa ikatlong review ay saka ito nabigyan ng R-18 rating.

Dahil sa strong LGBT community sa buong bansa, hindi kami magtataka kung ang Dreamboi ang manguna sa takilya among the seven official entries sa kauna-unahang CineSilip Film Festival na proyekto ng VMX at palabas sa select theaters ng Ayala Malls na nagsimula last Wednesday, Oct. 22, 2025 at magtatapos sa Martes, Oct. 28, 2025.

TONY LABRUSCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with