Kobe at Elisse, may relasyon daw!

True kaya ang tsikang may espesyal na namamagitan ngayon sa aktres na si Elisse Joson at sa basketball player na si Kobe Paras?
Sa latest episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz ay ito ang kanilang napag-usapan nila ng mga kasamahang sina Mama Loi at ate Mrena.
Kung totoo naman daw ay wala namang masama since parehong single ang dalawa.
Actually, pinag-uusapan nga sa social media ang diumano’y pagkamamabutihan ng dalawa simula nang may nag-post na namataan ang mga ito na magkasama sa isang bar kamakailan.
Diumano ay namataan pa raw na magka-holding hands sina Kobe at Elisse sa bar.
Sa ngayon ay wala pang reaksyon ang dalawa sa mga tsikang ito.
Janine, iyak nang iyak noong birthday
Naging emosyonal si Janine Gutierrez sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan last Oct. 2 dahil ito ang first birthday niya na wala na ang kanyang lolang si Pilita Corrales.
Sa kanyang latest Instagram post ay ibinahagi ng aktres na hindi hindi niya mapigilang mapaiyak nang batiin siya ng boyfriend nang sumapit ang midnight ng Oct. 2 dahil naalala niya ang kanyang Mamita na lagi raw siyang kinakantahan ng ‘happy birthday’ sa tuwing kaarawan niya.“We were having dinner the day before my birthday and when Echo said happy birthday because it was already midnight in Manila, out of the blue, I couldn’t stop crying.
“I could hear mamita’s voice in my head singing happy birthday and it just hit me. She would always sing happy birthday in her full singing voice and it just kept playing in my head and I really couldn’t stop crying over my seafood like a baby. I don’t know what happened. But I guess that’s grief,” pagbabahagi ni Janine.
Sa South Africa nagdaos ng kaarawan si Janine kasama ang boyfriend na si Jericho Rosales base sa kanyang mga post. “I was worried about leaving on a trip because our yaya, our second mom, who’s raised us alongside our parents since before I was born is also seeking treatment now. but my siblings said I should go and it would be okay,” ani Janine.
Nang mag-eempake na raw siya ay bigla niyang nakita ang lumang liham ng kanyang Mamita na ipinost din niya si IG. Inisip daw niyang sign siguro ito ng kanyang lola na pinapayagan siyang umalis. “And then the day before I leave, as I’m about to pack, I find this old letter from Mamita as I get my last box of things from my old condo. I don’t even know when this was from but I also kept crying when I found it cos it felt like a message from her saying I should go. don’t worry,” lahad ni Janine.
Sa huli ay sinabi ng aktres na bagama’t ito ang pinakamahirap na taon para sa kanya, marami pa rin naman daw siyang dapat ipagpasalamat. “It’s been the toughest year but I’m just filled with gratitude for everyone who’s held mine and my family’s hand throughout everything. I’m so grateful for another year and for all the blessings.
“I’m so grateful for my family and Echo and my friends and my work families and all of you who’ve been there.
“I’m so grateful for this trip. it turned out amazing. so here’s a dump from my actual birthday. Hindi na ko umiyak. Life is beautiful, just keep showing up. Thank you guys ily. thank you for all the greetings,” pahayag ni Janine.
Matatandaang tatlong miyembro sa pamilya ni Janine ang magkakasunod na pumanaw noong Abril at Mayo.
Sumakabilang buhay ang lola Pilita niya noong April 12 na sinundan naman ng maternal grandmother niyang si Nora Aunor in April 16. Noong May 1 naman ay pumanaw ang kanyang uncle na si Ricky Davao.
- Latest


















