Aubrey, first time sa Korea!

Alam mo, Salve A., we had an exclusive interview sa K-Pop artist, ang singer-songwriter, dancer, actor and mixed martial arts champion na si Daewon Lee kasama ang Viva young star na si Aubrey Caraan (of Avenues of the Diamond series opposite Lance Justin Carr on Viva One). Ang dalawa ay may kolaborasyon sa awiting Selfish Guy na si Daewon mismo ang sumulat.
At pareho silang excited sa collab sa Milagro Korea (management company of Daewon) sa Viva headed by Boss Vic del Rosario, Jr.
Lumagda ng kasunduan ang Viva at Milagro Korea na may kinalaman sa management career ni Daewon sa Pilipinas at ang iba nitong collaboration with other Viva artists and vice versa.
Bago pa man ang recording ng Selfish Guy ay may Tagalog songs nang gusto at kinakanta si Daewon. Paborito umano niya ang Awitin Mo At Isasayaw Ko ng VST & Company maging ang Multo ng grupong Cup of Joe. He would translate it muna in Korean bago niya kantahin para alam niya ang kahuluguan nito at mabigyan niya ng puso when he sings it.
It took sometime bago nakapag-adjust si Daewon sa kultura ng mga Filipino kaya sanay na siyang makipagbeso sa mga kakilala na niya or even a hug. He’s also starting to love not just the culture kundi maging ang mga Filipino, sceneries, pagkain at iba.
Since busy sila ngayon sa pagpu-promote ng Selfish Guy ni Aubrey, nakarating na rin sila ng Cebu at Iloilo at nagulat sila sa warm reception ng mga Filipino fans.
Alam ni Daewon na popular si Aubrey sa Filipino fans pero nagulat siyang makakita ng mga banner kung saan nakasulat ang kanyang pangalan na may picture niya.
Daewon has been in Manila for two weeks pa lamang pero unti-unti na rin siyang nakakabuo ng fan base among the Filipino fans na labis niyang ikinatutuwa.
Sa susunod na buwan (October) ay lilipad for the first time si Aubrey patungong Korea para naman sa promo ng kanilang kanta ni Daewon in Korea.
Nangako ang binatang Korean na ipapasyal umano niya si Aubrey sa kilalang spots in Seoul, Korea after their promo para masulit naman nito ang first time trip sa SK.
Although parehong inamin nina Daewon at Aubrey na pareho silang single ngayon, priority umano nila ang kanilang respective careers although hindi umano nila masabi what the future holds for them
Aminado rin ang dalawa na pareho silang boyfriend and girlfriend material at habang tumatagal ay unti-unti na na rin nilang nakikilala ang isa’t isa.
Abangan ang aming exclusive at nakakakilig na panayam kina Daewon at Aubrey sa aming online show, ang TicTalk with Aster Amoyo on my YouTube channel.
- Latest




















