Pancho, in love pa kay Max?!

“We’re okay, we’re friends” ang sagot ni Pancho Magno nang matanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung kumusta na sila ng ex-wife na si Max Collins.
Ayon sa aktor sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda, maayos naman daw ang co-parenting nila ni Max pagdating sa anak nilang si Skye at talagang pinag-uusapan nila ang bagay na ito.
“Kasi, we started naman as best friends and gusto ko, ‘yung journey na ‘yun, never mawala. Lalo na si Skye’s in a formative years, lumalaki na s’ya, five years old,” sey ni Pancho.
Napag-usapan nga rin daw nila ni Max na sa bawat importantent event sa buhay ni Skye, they would make it a point na pareho silang naroroon.
“We make it a point na ‘dapat nandito tayo ha? Tag team tayo, ha?’ ‘Yung co-parenting namin, I’m not saying it’s perfect but it’s… at least, we’re trying everyday kasi ‘yung love and respect naman, never mawawala ‘yun,” saad ni Pancho.
Nabanggit din ni Kuya Boy ang tsikang dating ngayon si Max or in a relationship na at tinanong niya si Pancho kung okay lang ba ito sa aktor.
“Of course, hindi siya ganu’n kadali, Tito Boy, to be honest. It’s a… kasi sobra ‘yung respect and love lalo na mayroon kaming son together, sobrang special. So it goes beyond the pride, ‘yung ego, ‘yung forgiveness nga,” pahayag ni Pancho.
Natanong din kung dating ba siya ngayon at sey niya, “I wish, pero wala pa, eh.”
Pinuna naman ni Kuya Boy na base sa mga pagsasalita ni Pancho ay parang may pagmamahal pa ang aktor kay Max.
Paliwanag naman ni Pancho, “no, because Max and I started talaga na… of course, we’re both Christians, so ‘yung foundation namin, ‘yung love and respect, kahit sabihin mo nang may mga arguments, wala akong sinasabing perfect, wala talagang pefect.”
Muling inulit ni Kuya Boy kung may pagmamahal pa siya sa ex-wife at hirap na hirap si Pancho sa pagsagot. “As a friend, oo naman,” finally ay sagot ng aktor.
Tanong ulit ng TV host, “pero in the context of romance?”
Sagot naman ni Pancho, “ah… as being best friends, we really try na maging close pa rin, kasi gusto ko pang magkasama kami.”
Diretsong tanong na ni Kuya Boy, “Pancho, are you still in love with Max?”
Natawa si Pancho at hindi na naman nakasagot agad.
“Wala, Tito Boy, hindi siya ganu’n kadali… nagke-credits na!” pag-iwas ng aktor.
Tawa naman nang tawa si Kuya Boy at hindi na niya kinulit pa si Pancho.
Alden, sumumpang tatapusin ang pagpipiloto
“I’ve always been so curious paano lumilipad ng ganu’n kalaki at kabigat na sasakyang panghimpapawid. Tapos of course, how it’s being navigated sa langit, ganiyan, from point A to point B, paano nakakarating, paano nag-take off,” kuwento ni Alden Richards who goes by the name of Cadet Richard Faulkerson as a flying school student na tinupad ang childhood dream niyang maging piloto.
Noon pa nabanggit ni Alden sa mga panayam na bata pa lang siya ay pangarap niya talaga ang maging piloto at kung hindi raw siya napasok sa showbiz, malamang ay nagpapalipad na siya ng eroplano ngayon.
Sa first day of school ni Alden ay sinubukan na niya ang flight simulator kung saan ay naranasan niya ang real-life flight scenarios mula sa pag-take off at pag-landing.
Ayon sa Kapuso actor ay tatapusin niya ang two-year course at goal niya of course na makapagpalipad ng commercial plane. “There’s no such thing as a busy schedule when you make time and you have time management. Time management is the key. Definitely, this year for ground school, and then tuluy-tuloy na ‘to. This will be a two-year course, and after I graduate, I’m going to be able to fly a commercial plane,” aniya.
- Latest

























