^

Pang Movies

Michael, may ‘someone’ na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Michael, may ‘someone’ na!
Michael Sager

Hinihintay na lang ng Sparkle actor na si Michael Sager na makalabas ng Bahay ni Kuya ang natitirang housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bago ang kanyang house blessing.

Ang mga nakalabas pa lang ay sina Shuvee Etrata, Klarisse de Guzman, Vince Maristela, Emilio Daez, Josh Ford, AC Bonidacio at Ashley Ortega.

“Actually, hinahanda ko na po ‘yung mga camera para ready na. Hinihintay ko talaga ‘yung house blessing ko kapag kumpleto na kami,” sey ni Michael.

Aminado rin si Michael na mayroong nagpapasaya sa kanya ngayon. I-reveal daw niya ito very soon.

Invited din kaya ang special someone na ito sa house blessing ni Michael?

Dennis, nagpigil sa misis

Matapos ang kanyang pagbabalik sa telebisyon at pelikula, nagbabalik na rin si Ultimate Star Jennylyn Mercado sa musika. Isa sa mga kanta sa kanyang pinakabagong album, sinulat niya para sa asawang si Dennis Trillo.

Ibinahagi ni Jennylyn na isa sa mga kantang isinulat niya sa album niyang Jen, na inilabas niya noong May, ay para kay Dennis. Ang titulo ng naturang awitin, Paulit-ulit Kang Pipiliin.

“Medyo personal ‘yung mga narinig ko sa lyrics e, kaya parang ‘pag narinig mo, ‘Uy, parang designed talaga itong kantang ito para sa’kin.’ Dahil asawa ko ‘yung gumawa e,” sabi ni Dennis.

Ang reaksyon ni Dennis sa naturang kanta, pinipigilan daw ng aktor noon na umiyak.

Ngunit sa kaloob-looban niya umano ay naramdaman niya ang matinding kurot.

MICHAEL SAGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with