Dennis, nananahimik na!

Payapa na ulit ang mundo ngayon ng celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado matapos ang sunud-sunod na kontrobersiyang kinasangkutan ng aktres at ng kanilang pamilya recently.
Matatandaang buong tapang na hinarap ng aktor ang iba’t ibang issues na ibinabato sa kanyang misis at hindi nagdalawang-isip na magsalita at ipagtanggol ang kanyang pamilya upang mapangalagaan ang kanilang privacy at peace of mind.
Ngayong unti-unti nang humuhupa ang mga intriga, aminado si Dennis na masaya siya dahil nalampasan na nila ang mahirap na sitwasyon. More than anything, relieved ang aktor na hindi na kailangang direktang harapin pa ni Jennylyn ang mga kontrobersiya.
“Nasabi na lahat nung mga kailangang sabihin. Kahit paano, na-resolve naman,” anang aktor sa panayam sa 24 Oras.
“Pero mas masaya ako na hindi na ‘yun kailangang pagdaanan pa ni Jen. Na ako na lang ang kailangang magsalita at protektahan sila na role talaga ng isang tatay, ‘di ba?” dagdag niya.
Aniya, hindi niya kayang manatiling tahimik kapag ang kanyang asawa at mga anak na ang sangkot sa issue.
“Hindi ako pwedeng hindi maging vocal kapag ganito na ‘yung mga sinasabi tungkol sa pamilya, lalo na’t involved na ‘yung pamilya, involved ‘yung mga mahal sa buhay, asawa’t mga anak,” sey niya.
Malaki rin ang pasasalamat ni Dennis sa kanyang misis na si Jennylyn dahil nananatili itong kanyang sandigan sa gitna ng mga pagsubok.
“Sanggang dikit ko talaga ‘yan, eh. Kumbaga, parang pareho na kami mag-isip. Masayang makahanap ng tao na ganu’n na alam mo ‘yun, ilalaan mo ‘yung buhay mo, ‘yung oras mo sa kanya dahil alam mo na ‘pag kayo ‘yung magkasama, maganda ‘yung mga mangyayari sa buhay n’yo,” sey ng aktor.
Ngayong mas kalmado na ang sitwasyon, mas makakapag-concentrate na si Dennis sa promo ng kanyang upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026 entry na Amir.
Excited ang aktor sa pagkakataong muling maging bahagi ng MMFF, following the success of his award-winning movie Green Bones noong 2024.
Ayon kay Dennis, isang malaking oportunidad para sa kanilang team ang pagkakaroon ng ganitong klaseng proyekto at ang mapabilang ito sa official MMFF lineup.
- Latest




















