^

Pang Movies

Robb, niloko ng mapapangasawa

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Robb, niloko ng mapapangasawa
Robb Guinto
STAR/File

Naging bukas ang Vivamax sexy actress na si Robb Guinto sa pagkaka-cancel ng wedding niya noong 2021. Napag-alaman niya kasi na may ibang babae ang kanyang fiancé.

Ang masama pa raw ay kaibigan ni Robb ‘yung babaeng kinalolokohan ng fiancé niya.

“Bale, nag-cheat po siya sa akin, sa friend ko. Hinayaan ko na lang din. Ang akin, parang karma na lang bahala sa kanila,” sey ni Robb.

Hindi raw niya kinompronta ang kaibigan. Nilayuan na lang niya ito. Mas okey raw iyon kesa sa may mga masabi o magawa siya na pagsisisihan niya balang araw. Hindi raw iyon nakakaganda sa isang tao.

“Ngayon, tanggap ko na. Ang akin lang kasi, ang hirap magtanim ng sama ng loob. Parang hindi ka maggu-grow sa buhay mo kapag may sama ka ng loob sa ibang tao.”

Kasalukuyang napapanood si Robb sa Mga Batang Riles ng GMA Prime. Nakapag-guest na rin ang VMX star sa Pepito Manaloto at Bubble Gang.

Fil-Am TikTok star Bella Poarch, nabiktima ng kuliti!

Nagbabalik sa Pilipinas ang Filipino-American social media personality na si Bella Poarch pagkatapos ng 14 taon.
Sa kanyang TikTok, nag-share siya ng ilang video niya sa airport. Nagkaroon pa siya ng stye o kuliti sa mata bago lumipad sa bansa, pero hindi siya nagpahadlang dito.

“It’s been 14 years since I’ve been back to the Philippines, and there’s no way I’m gonna cancel over a stye,” sey ni Bella.

Pagkalapag, nagpaopera agad ang TikTok star para alisin ang stye bago lumipad papuntang Bohol.

Sinabi rin ng TikTok star na may gagawin siyang importanteng shoot sa isang linggo.

Sumikat si Bella through her TikTok videos. She released her debut song, Build a Bitch, in 2021.

In one of her songs, Living Hell, Bella opened up on her difficult childhood. The track is part of her 2022 EP, Dolls.

ROBB GUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with