^

Pang Movies

Alden, in love na raw ulit!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alden, in love na raw ulit!
Alden Richards

Totoo kayang may jowa na si Alden ­Richards?

Isang entrepreneur diumano ito na present sa ginanap na fun run na ang kanyang grupo ang nag-organized.

Ang nasabing fun run na ang layunin ay makapagbigay ng tulong sa ­Mowelfund or Movie Workers Welfare Foundation.

Awwss sa rami nang tumakbo that time, may nakapansin kaya kung alin dun sa malapit kay Alden ang sinasabing jowa niya?

Hinikayat ni Alden ang lahat na nakiisa sa event na ‘yun, hindi lamang para sa kanilang kalusugan kundi para rin maka­tulong sa mga nangangailangan.

Ahh ito kaya ang rason kaya malabung-malabo na diumano silang magtambal ulit ni Kathryn ­Bernardo?

Gloria Diaz, naloka sa speech ni Ipe

“‘Yung anak mo padalan mo ng pera,” komento ni former Miss Universe Gloria Diaz sa isang post ng netizen kung saan gigil na gigil ang actor na si Phillip Salvador sa pagsigaw ng “bring him home” na ang tinutukoy ay si former President Digong Duterte na hanggang sa kasalukuyan ay nasa The Hauge, Netherlands pa rin dahil sa mga kasong kinakaharap nito sa ICC (International Criminal Court).

Actually, almost two weeks na ang nasabing post ng isang Nanay Bebot at comment ng account ni Ms. Gloria.

Ang daming nag-thumbs up sa nasabing komento niya.

Obviously ang tinutukoy ay anak ng aktor kay Kris Aquino na walang kahit balitang dinalaw niya o kinausap sa kabila ng kalagayan ni Kris.

Special child si Joshua na Aquino na sa kasalukuyan ang ginagamit na apelyido.

Kumakandidatong senador si Phillip Salvador at may isang survey na lumitaw ang pangalan niya sa posibleng manalo sa May 12 mid term elections.

Charlie at Kira tsugi sa PBB

Muli na namang humarap ang mga housemates sa eviction night kung saan tuluyan nang lumabas ng Bahay ni Kuya sina Charlie Fleming at Kira Balinger.

Kasunod naman nito ang pagpasok ng mga bagong housemates ni kuya na sina Shuvee Etrata, Ang Island Ate ng Cebu, at Xyriel Manabat, Ang Golden Anaktres ng Rizal.

Ano nga kaya ang magiging ambag nila sa loob ng Bahay?

Makasundo nga kaya nila ang mga housemates? ‘Yan at marami pang iba ang kailangang tutukan gabi-gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMA Network.

Harapan nina Sharon at Janice, patok sa viewers

Kinapitan ng viewers ang tahasang linyahan nina Sharon Cuneta at Janice De Belen sa kanilang makapigil-hiningang komprontasyon sa Kapamilya teleseryeng ­Saving Grace: The Untold Story.

Pinuri ng mga manonood ang harap-harapang pagbitiw ng mga masasakit na salita ang dalawang beteranong aktres matapos mag-krus ang kanilang landas sa unang pagkakataon bilang sina Miranda (Sharon) at Helena (Janice) - dalawang palaban na babae na nagmahal ng iisang lalaki.

Sa isang interview, ibinahagi nina Janice at Sharon kung gaano nila na-enjoy ang makatrabaho ang isa’t isa sa isang serye sa unang pagkakataon. “It was fun working with her. Alam ko na maraming tao ang naka-abang na makita kaming magkasama so it was really good working with her,” sabi ni Janice.

“Saludo ako lagi kay Janice. In real life kapag ka-eksena mo siya, ‘yung mata talaga niya nangungusap,” ayon kay Sharon.

Kamakailan ay ipinakita sa serye kung paano inahas ni Helena ang best friend niyang si Antonio mula kay Miranda, ang totoong jowa ni Antonio noon. Hanggang ngayon, ipinapalabas pa rin ni Helena na si Miranda ang naging kabit para pagtakpan ang kanyang kasalanan.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->