Hiwalayang Julia at Gerald, may bahid ng katotohanan?!

Bagama’t nagsalita na si Gerald Anderson na all is well sa pagitan nila ni Julia Barretto, nananatiling tahimik ang aktres at hindi siya nagbibigay ng anumang pahayag tungkol sa issue, bagay na ipinagtataka ng marami.
Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niya ang dahilan kung bakit hindi nagsasalita si Julia hinggil sa kumalat na balitang hiwalay na sila ni Gerald. “May nag-text lang sa akin na parang nagkaroon daw talaga ng awayan, tampuhan sa pagitan ni Gerald at ni Julia Barretto,” kwento ni Ogie.
“Kaya daw ‘yung mga post ni Julia na kasama si Gerald doon sa Instagram ni Julia, ‘di ba nawala daw? Totoo pala ‘yon,” dagdag pa ng vlogger/talent manager.
Tsika pa niya, “wala raw kibo talaga si Julia kasi raw, parang nagdadalawang-isip pero mahal daw si Gerald despite the fact na sila’y nag-aaway or nag-away.”
Sa sinabi naman ni Gerald sa panayam kay Karen Davila na okay sila ni Julia, sey ni Ogie, “siyempre, iba naman ‘yung narrative ni Gerald. Na they are okay at hinatid pa niya sa airport si Julia patungong Dubai, at gusto na niyang magkaroon ng pamilya, gusto na niyang magkaanak.”
At si Gerald na rin naman daw ang gustong makatuluyan ni Julia. Malalim daw ang pagmamahal ng aktres sa boyfriend pero may mga panahon din siyempre na nag-aaway sila.
Bukas naman ang aming kolum para sa reaksyon nila tungkol dito.
Gary V, ginagamit sa AI!
Si Gary Valenciano ang latest victim ng fake news at scam gamit ang A.I. (artificial intelligence).
Ipinost ni Mr. Pure Energy sa kanyang Instagram ang screenshot ng isang ad na may larawan niya at nakasaad dito na “How to be cancer free? Lunas na mabisa at mabilis umepekto.”
Sa caption ay nilinaw ni Gary V. na fake news ito at nagbigay ng babala sa publiko.
“It’s as fake as fake can be. Be careful friends!!!! Thank you to all who informed me of this lie,” paglilinaw ni Mr. Pure Energy.
Bago si Gary V. ay inalmahan na rin nina Anne Curtis, Michael V. at Melissa Ricks ang paggamit ng A.I. ng mga scammer para gayahin ang kanilang mukha at boses upang makapagbenta ng produkto.
- Latest