^

Pang Movies

Sanya, naiyak sa bahay ni Jak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Naiyak nga raw si Sanya Lopez nung makita niya na malapit nang matapos ang pinapagawang bahay ng kanyang Kuya Jak Roberto.

Inabot din daw ng two years ang pagpapagawa ni Jak ng bahay niya dahil pinadisenyo niya ito at siya ang namili ng mga materyales.

Sey ni Sanya, “Nakaka-proud. Nadaanan ko. Kasi isa lang naman ang subdivision namin ni kuya. First time ko nakita, nakakaiyak. I am proud for him. Ang lahat ng mga pinaghirapan niya, makikita mo na. Ang ganda kasi. Parang dati nakikibahay lang kami, nakikitira lang kami. Tapos now meron na kaming sariling bahay. ‘Yung kay kuya, dream house niya ‘yung napatayo niya. Nakaka-proud na alam mo ‘yung pangarap niya, natutupad.”

Binalikan nga niya ‘yung panahon na nangangarap lang sila noon ni Jak na maging matagumpay sa pagpasok nila sa showbiz.

“Kasi before noong bata kami, ang thinking na lang namin, paano kaya kami makaka-survive? Paano kaya kami kakain ng tatlong beses sa isang araw? Parang ‘yun lang. Itong mga nangyari sa amin, ‘yung mga taong dumating sa buhay namin para tulungan kami, kung ano man ‘yung meron kami, blessing ni Lord.Ang sarap pala sa pakiramdam ng unti-unti meron kaming nararating sa buhay namin.”

Mapapanood si Sanya sa pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan with David Licauco, Joel Torre, Liezel Lopez, Chariz Solomon, Buboy Villar at marami pang iba.

Ji Soo, type si Heart!

Kinilig ang mga female housemate nang maging celebrity houseguest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang South Korean actor na si Kim Ji Soo.

Si Ji Soo ang first non-Filipino houseguest sa history ng Pinoy Big Brother.

“Ako po Kim Ji Soo. Mabuhay,” pagbungad ni Oppa sa mga housemate.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Ji Soo, natanong sa kanya kung sino ang Filipino celebrity crush niya? Sagot niya ay may kaugnayan sa salitang “love” o “Valentine” ang pangalan ng Pinay na kanyang hinahangaan.

Nahulaan agad ng housemates na si Global Fashion Icon Heart Evangelista ang tinutukoy ni Ji Soo.

Nakadalawang teleserye na si Ji Soo sa GMA after nitong pumirma with Sparkle. Lumabas siya sa Abot-Kamay Na Pangarap at Black Rider.

Nakilala si Ji Soo dahil sa mga Koreanovela na Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, Strong Girl Bong-Soon and My First First Love.

Britney Spears, tuluyan nang nakipaghiwalay sa jowa

Nakipaghiwalay na nang tuluyan si Britney Spears sa boyfriend niyang si Paul Soliz.

Ayon sa TMZ, ito ang second time na kumalas ang former ‘90s Teen Pop Queen kay Soliz: “Paul removed his personal belongings from Britney’s home recently. Britney and Paul have been on-again, off-again since her failed marriage to Sam Asghari, who filed for divorce in August 2023.”

First breakup daw nila ay noong July 2024. After magbalikan, nag-break na ulit sila noong February 2025.

JAK ROBERTO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with