Anne at Erwan, nagtipid sa party ni Dahlia!

Five years old na pala ang daughter ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia na kaseselebreyt lang ng birthday.
Ang bongga ng ginawang selebrasyon ng mag-asawa para sa panganay nila.
Hindi man enggrande gaya ng ibang birthday party ng ibang anak ng mga celebrity ay sinigurado nila na mag-e-enjoy si Dahlia at ibang mga bata na dadalo sa party.
Sa totoo lang parang hindi mahilig sa bonggang party ang mag-asawa.
Mapapansin kasing mga simple ang naging birthday celebration ni Dahlia sa nakalipas niyang mga birthday ha.
Sa post pa ni Anne ay hindi raw sila mahilig ng mister sa mga lobo kaya paper lanterns ang dekorasyon sa party ni Dahlia.
Ang ganda rin naman nga ng kinalabasan na parang lobo lang din naman at magagamit pa raw ulit dahil reusable.
Wow, nakakabilib si Anne ha.
Nakakatuwa na kahit afford nila ang enggradeng party ay mas pinipili nilang maging praktikal.
Nakaka-touch nga ang post niya na photo ni Dahlia na tumatakbo at nasabik sa sarili niyang party. Nag-enjoy raw talaga ang panganay nila at tagumpay raw talaga ang first big party nito.
Mukhang naging emosyonal nga rin si Anne sa party ni Dahlia base sa litrato niya.
Kapansin-pansin din ang suot nila ng mister na matching katsa na naging expensive ‘pag si Anne ang nagsuot.
Bongga talaga.
- Latest