^

Pang Movies

Mga dumalo dismayado… Seth at Morissette, wagi sa MIFF

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Mga dumalo dismayado� Seth at Morissette, wagi sa MIFF
Seth at Morissette
STAR/File

Alam mo, Salve A., marami umanong dumalo sa ikalawang taon ng Manila International Film Festival in Hollywood, USA ang na-disappoint sa naging resulta ng MIFF Awards Night na ginanap sa Beverly Hilton in Beverly Hills, California, USA dahil sa naging choices ng mga winner last Saturday evening, March 8, 2025.

Una rito ang pagpasok ng pelikulang Song of Fireflies na hindi naman umano kasama among the entries ng 2024 Metro Manila Film Festival.

Acting debutant at singer na si Morissette Amon ang tinanghal na Best Actress for the Song of Fireflies, si Rachel Alejandro naman ang napiling Best Supporting Actress for the same movie habang ang isa pa nilang kasama sa movie na si Noel Comia ang nanalong Best Supporting Actress na nagmula rin sa nasabing pelikula.

Pero ang tinanghal na Best Actor ay si Seth Fedelin for the movie My Future You na pinagtambalan nila ni Francine Diaz na pinamahalaan ng tinanghal na Best Director na si Crisanto Aquino under Regal Entertainment.

Nag-withdraw umano from MIFF ang mga pelikulang Uninvited na tinampukan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre at Ang Himala na pinangunahan naman ng actress at stage actress na si Aicelle Santos kaya hindi napapanood sa MIFF in Hollywood ang dalawang nabanggit na pelikula.

Sinamahan nina Atty. Joji Alonso ang dalawa sa cast ng Espantaho na sina Lorna Tolentino at Janice de Belen. Present ang dalawang lead stars ng My Future You na sina Seth Fedelin at Francine Diaz at ang lady producer ng Regal Entertainment na si Roselle Monteverde.

Dumalo sina Piolo Pascual at Cedrick Juan sa screening ng The Kingdom pero hindi na naghintay ang ama ni Inigo Pascual sa gala night dahil agad itong bumalik ng Pilipinas for other commitments.

Present ang actress-producer na si Sylvia Sanchez kasama ang anak na si Arjo Atayde na siyang bida ng pelikulang Topakk kasama ang actor na si Enchong Dee. Sinamahan din si Arjo ng kanyang wife na si Maine Mendoza.

Hindi nakadalo si Dennis Trillo, pero naroon sina Ruru Madrid at Sofia Pablo para sa pelikulang Green Bones kasama si Ms. Annette Gozon-Valdes at Joy Marcelo from GMA.

Ang Unang Ginang na si Atty. Liza Araneta-Marcos ang special guest of honor sa Gala Awards Night kung saan din namataan si Senate President Chiz Escudero minus Heart Evangelista. Naroon din ang MMDA Acting Chairman at MMFF Chairman na si Atty. Don Artes at si Atty. Rachelle Ona.

Dumating din ang rumored sweethearts at bida ng kanilang first movie together, ang My Love Will Make You Disappear na sina Kim Chiu at Paulo Avelino pero hindi rin sila dumalo sa gala night last Saturday dahil agad silang bumalik ng Pilipinas for earlier commitments pero babalik umano ang dalawa sa Los Angeles, California in time sa screening ng kanilang pelikula on March 28.

Naroon din ang mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga pero wala rin sila sa awards night. Pero naroon din si Dingdong Dantes na siyang nag-abot ng Lifetime Achievement Awards. Namataan din sa gala night ang magka­sintahang Harlene Bautista at Federico Moreno, ang singer at award-winning actor na si John Arcilla at ilang celebrities na naka-base sa California, USA tulad nina Pinky de Leon, Gigi Garcia, G Toengi, Bunny Paras at iba pa.

Pagkatapos ng gala night ng MIFF, isa namang libreng konsyerto ang ginanap kinabukasan presented ng MMDA, MMFF, Bagong Pilipinas, CineGang, Philippine Consulate General at PAGCOR handled by GF Bayona Productions.

Bukod sa celebrities na dumalo sa MIFF, other performers include Joey Albert, Jaya, John Arcilla at iba pa.

MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with