Kathryn at Daniel, wala nang balikan?!

Taken na raw si Kathryn Bernardo.
Ito ang latest pasabog ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na Ogie Diaz Showbiz Updates.
Simulang tsika niya, totoo raw na nagkaayos na sina Kathryn at Daniel Padilla, pero malabo na magkabalikan.
“Ang sabi sa akin, eh, imposibleng maging si Daniel at si Kathryn. ‘Eto nga, kasi, kung single pa rin si Kathryn, pwedeng magkaroon ng possibility na kung liligawan ulit siya ni Daniel, ‘di ba?” aniya.
Pero hindi na nga raw single si Kathryn.
“Ang tsika sa akin ay taken na raw si Kathryn,” pagre-reveal ni Ogie.
Nagulat naman si Mama Loi at tanong niya, “in a relationship na?”
Sagot ni Papa Ogs, “yes, mayroon na raw nagmamay-ari ng puso ni Kathryn?”
Sabi naman ni Mama Loi, “really??? Da who???”
Sey naman ng talent manager/online host, “ang sabi sa akin, ha, ang nagmamay-ari ng puso ni Kathryn ngayon ay walang iba kundi si non-showbiz.”
Dagdag pa niya, “na-interview na niya ang guy nang one-on-one.”
Kasunod nito ay ini-reveal niya na young politician daw ito.
“Actually, noon pa. Naibalita na natin dito na nali-link si Kathryn sa isang politician na na-interview ko na, at the same time, naging estudyante ko sa Ogie Diaz Acting Workshop,”saad ni Ogie.
“Ah ‘yung gwapo!” sabi naman ni Mama Loi.
“Yes, si Mayor Mark Alcala ng Lucena City,” pagbubunyag ni Papa Ogs.
Ibinahagi rin niya na last year of July ay nagpadala siya ng chat message sa nasabing pulitiko kung totoong nanliligaw ito kay Kathryn at hindi raw ito sumagot.
“So true nga?” tanong niya ulit pero hindi raw ito sumagot uli.
“So, kinonclude ko na, ‘ah, so nanliligaw nga si Mayor,’ hindi siya sumagot.”
Kung kelan naging sila, ang sabi raw ng kanyang source ay either November or December.
“Eh nung Nov. 13, ipinalabas ang Hello, Love, Again, siyempre kung ako si Mayor Alcala, eh hindi ako papasok sa eksena, kasi ano pa ‘yan, eh, KathDen ‘yan, eh,” aniya.
Ang sabi pa raw sa kanya ng source niya, minsan daw ay si Mayor ang pumupunta sa Manila para magkita sila ni Kathryn, minsan naman ay ang aktres daw ang nagpupunta sa Lucena.
Pero duda si Ogie dahil napakahusay naman daw magtago ng dalawa dahil hindi raw napapabalita at hindi rin nakukunan ng larawan na magkasama.
“Walang resibo,” ani Ogie.
Pero nilinaw naman niya na hindi naman daw ito confirmed at basta ito lang ang nakarating sa kanya base sa kanyang source.
Well, panahon ang makapagsasabi kung totoo ito dahil sabi nga, lalabas at lalabas din ang katotohanan.
Bukas naman ang Pang Masa para sa anumang paglilinaw o pahayag nina Kathryn at Mayor Alcala.
Ivana, may apela sa mga pulitiko
Inamin ni Ivana Alawi na hindi siya basta-basta nag-e-endorse ng pulitiko at talagang pinag-iisipan niya munang mabuti. In fact, marami na siyang tinanggihang kandidato na tumatakbo sa iba’t ibang posisyon ngayong eleksyon.
“Napakaarte ko at napaka-choosy ko pagdating sa pulitiko. Hindi naman ‘yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko. Ito ay para sa Pilipinas, para sa mga kababayan natin. Ano ‘yung makakapagpaganda sa bansa natin,” sey ng Kapamilya actress nang matanong siya tungkol dito sa naganap na thanksgiving party niya for the entertainment press last Friday.
Hindi raw pera-pera para sa kanya ang ganitong bagay.
“Kasi, kung pera, eh ‘di sana lahat kinuha ko, eh, ‘di ang yaman-yaman ko na. Hindi, eh. Hindi siya sa pera. It’s what do you believe in and who do you think will make the country a better place,” paliwanag ng dalaga.
Nanawagan pa si Ivana sa mga pulitikong gustong kumuha sa kanya.
“Sa mga senator, congressman, napaka-choosy ko kasi baka gusto lang niya umupo para sa sarili niya hindi naman para sa ating mga kababayan,” aniya.
Sey pa ng aktres, importante raw para sa kanya ang pagpili ng tamang leader.
“Ako, wala naman akong alam sa pulitika, pero alam ko kung paano mamili ng tamang leader. Siyempre, pinag-aaralan ko rin kung anong mga batas ang natutupad, very important ‘yun sa akin,” pahayag pa niya.
Pero sa rami ng offers ni Ivana na mag-endorse ng pulitiko ngayong darating na eleksyon, ang nakatawag ng kanyang pansin ay ang Agap Party-list at pumayag siyang iendorso ito dahil nagustuhan daw niya ang adbokasiya nito na ipaglaban ang mga karapatan at kapakanan ng mga mangingisda at magsasakang Pinoy at iba pang kasama sa agricultural sector.
- Latest