^

Pang Movies

Junior actress, nuknukan na ang kaartehan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Palala raw nang palala ang pagiging maarte ng isang junior actress (JA) ayon sa mga kasamahan niya sa show.

Ugali na ng JA ang pagiging maarte mula nang siya eh mabigyan ng break sa TV at movies. Kung minsan eh nakakatawa pero nung tumagal eh may kasama nang reklamo.

Hula tuloy ng kasamahan, dahil ‘yun sa nangyari sa personal niyang buhay. Naging bitter siya kaya naman pati trabaho eh naapektuhan.

Wish ng kasamahan eh mawala na ang ugaling ito ni JA dahil baka ‘pag pinalala pa niya eh wala nang gustong makatrabaho siya!

SB19, iikutin ang mundo!

Inanunsyo na ng SB19 ang gagawin nilang world tour this year kaya naman pag­hahandaan na ito ng fans nilang A’TIN.

Inilabas sa Instagram ng P-Pop group na ang Simula At Wakas nilang World Tour eh magaganap sa 18 cities, huh!

Iikot ng tour ng SB19 sa Asia at Pacific, Middle East at North America.

Ang Simula At Wakas ng inilabas na bagong kanta ng SB19.

SB19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with