^

Pang Movies

POGO, hindi nakalusot kay Goma!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
POGO, hindi nakalusot kay Goma!
Goma

Sa totoo lang, minsan lang naming narinig na sumali sa imbestigasyon ng POGO si Congressman Richard Gomez, pero naging eksakto ang lahat ng kanyang pagtatanong, dahil ang sinasabi nga niya, may karanasan din siya bilang isang mayor at alam niya ang karapatan ng LGU at noong panahong mayor siya ay marami ring negosyante sa kanyang lungsod pero walang nakalusot sa kanya sa ganyan.

Magaling siya talaga, mas dapat talaga sa Congress siya naupo sa simula pa lamang.

Kaya nga marami ang nagsasabing pagkatapos ng kanyang termino bilang congressman, sana bumalik siya bilang mayor ng Ormoc o baka pwedeng senador na.

Kung ganyan ang record ng isang artistang nagi­ging pulitiko hindi mo ikahihiya at sabihin mo mang nanungkulan, maganda naman ang record gaya rin ni Vilma Santos

Aiko, Ara, Abby, naimpluwensyahan ni Jomari sa pulitika

Ewan kung bakit nakatuwaan naman nilang isipin na ang tatlong babaeng naugnay kay Jomari Yllana ay pare-parehong nasa pulitika na ngayon. Ang una niyang asawa na si Aiko Melendez ay kandidato ngayon bilang konsehal sa ikalimang distrito ng Quezon City.

Naging syota naman niya si Ara Mina nang ilang taon din, si Ara naman ay kandidato bilang konsehal sa Pasig.

Ang kasalukuyan naman niyang asawa ngayon si Abby Viduya ay kandidato rin ngayon sa Parañaque. Hindi naman nag-file ng COC ang kanyang anak na si Andre.

Hindi mo masasabing iyan ay isang political dynasty, kasi legally hindi naman sila isang pamilya, nagkataon lamang na nagkaroon sila ng relasyon sa iisang lalaki, si Jomari nga.

Troy at Aubrey, ‘di apektado ng sex scandal

Matapos ang ilang araw na pinag-uusapan ang video scandal ni Troy Montero, ngayon lang sila nagre-react ng kanyang girlfriend na si Aubrey Miles, at sinabi nilang hindi sila affected sa kumakalat na mga scandal video ni Troy.

Wala raw silang pakialam at hindi sila apektado ng kumakalat na video.

Ibig sabihin inaamin nilang mayroon ngang video at hindi nila ikinakailang si Troy nga iyon?

Pero wala naman silang sinabi kung papano nagkaroon ng ganoong scandal.

Dahil diyan, end of story na.

Julie Anne, ayaw tantanan

Binatikos naman si Julie Ann San Jose dahil sa ginawa niyang pagsasayaw at pagkanta sa isang simbahan sa Mamburao, Mindoro Occidental. Iyon ay isang charity concert na ang kikitain daw ay gagamitin sa pag-aayos ng simbahan ng Nuestra Senora del Pilar.

Ayon sa mga tagubilin ng simbahan, ang mismong simbahan ay hindi dapat gamitin sa mga ganyang palabas, at iyon ay nakatakda lamang gamitin sa pagdiriwang ng banal na misa at mga sakramento.

Alam naman siguro ng paring naroroon ang regulasyong iyon at kung ganun walang nilabag na regulasyon si Julie Anne.

Male starlet, nawalan ng raket sa gaming shows

Malungkot ang isang male starlet dahil hindi naman niya itinatanggi na kumikita rin siya sa nagiging hosts sa gaming shows sa pamamagitan ng internet na malaki pala ang bayad sa kanila.

Karaniwan daw ng mga laro ay color games at pula puti, na ginagawa mismo sa loob ng mga casino o sa pribadong hotels at nakakataya ang mga sugarol sa pamamagitan ng cash cards nila na kung saan ipinapasok rin ang kanilang panalo.

Nakakataya at nakakapagsugal maging ang mga menor de edad sa sistemang iyan. Kasi maaari silang gumamit ng computer o sim card na nakare­histro sa pangalan ng isang adult.

Pero ngayon tigil na lahat iyan. Hindi sila makapandaraya dahil kailangan nila ang internet at kailangan nilang mag-post para malaman ng mga taong may pasugal sila.

Malaki raw ang mawawala sa male starlet dahil kahit minsan sa isang buwan ay nakukuha siyang host sa color games at sa pula puti. Ngayon kung gagawa sila ng ganoon nang walang lisensiya, maaaring makulong pati na ang tumatayong host lamang.

Tiyak na babalik na siya sa car fun ngayon. Mag-aabang na naman siya ng mga bakla.

RICHARD GOMEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->