^

Pang Movies

Aktres na walang boses, pinalayas sa stage!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naimbitahan ang isang junior actress sa isang birthday ng kaibigan. Maganda at sexy ang aktres pero may image na malandi sa showbiz.

Siyempre, may pangalan na rin ang aktres kaya naman nagulat ang mga bisita nang makita siya sa party.

Eh may videoke. Nahilingan siyang kumanta. Palakpakan ang mga bisita lalo na’t celeb ang kakanta.

Kumanta naman si aktres kaya lalong lumakas ang sigawan at todo pictures sa kanya. Then nahilingan ng isa pa.

Pinagbigyan naman ni aktres. Pero hindi pa siya tumigil, huh! Sing to the max talaga siya pero paulit-ulit na ‘yung iba dahil limited lang ang alam niya!

Biglang may sumigaw na bisita, “Tumigil ka na!!!” at umupo na ang aktres na parang normal lang ang ginawa niya.

Nagsawa na ang bisita sa paulit-ulit na kantang kinakanta niya! May ganda nga siya pero hindi kagandahan ang boses!

Uninvited, pumasa kay Vilma                                    

Thriller at hindi horror ang bagong movie ni Vilma Santos-Recto.

Take note na bigatin ang mga kasama ni Ate Vi na sina Aga Muhlach at Nadine Lustre, huh!

Ang title ng movie ay The Uninvited mula sa Mentorque Productions at si Dan Villegas ang director at involved din sa project si Antoinette Jadaone.

Pumasa kay Ate Vi ang story ng movie kaya naman tinanggap niya ito. Mahalaga sa Star For All Seasons ang story bago niya tanggapin ang isang project.

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with