^

Pang Movies

Gabby, ayaw magmadali sa movie nila ni Shawie!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gabby, ayaw magmadali sa movie nila ni Shawie!
Gabby

Tinatanggihan nga ba ni Gabby Concepcion ang mga iniaalok sa kanyang pelikula kasama si Sharon Cuneta?

Palagay naman namin ay hindi, siguro humaha­nap lang siya ng fair deal.

Nang gawin ang reu­nion concert nila ni Gabby, napuno ang MOA Arena, ganoon din ang mas high-end na show nila sa Okada. Naging malaking hit din iyon sa Cebu, hanggang sa umugong na nga ang problema sa pamilya ni Sharon at na-cancel na ang mga kasunod noon, kaya nga masasabing justified naman kung ano ang hinihinging conditions ni Gabby.

Payag pa rin siya sa reunion movie pagkatapos ng concert, pero iba na nga ang conditions. The offer remains the same, wala siyang kukuning talent fee but it should be given to KC Concepcion.

Kaya ganoon si Gabby, alam niya there was a time na may pagkukulang din siya sa kanyang anak.

Again it was ignored. But who cares, hindi naman kailangan ni Gabby ng ganoong projects at marami siyang ginagawang high rating shows on television.

Iyong concert ok lang iyon eh, kahit na hindi ma­ging malaking hit, hindi naman siya singer talaga kaya hindi siya maaapektuhan. Kung pelikula, aktor siya at kung pumalpak, tiyak na apektado siya pati na sa TV.  Natural lang to take all precautions.

Pero maling sabihin na si Gabby ang tumatangging makasama sa pelikula si Sharon.

Ate Vi at Aga, may pasabog!

Finally nakapagsimula na pala ng shooting si Ate Vi (Vilma Santos) ng bago niyang movie, at tipong horror din pala ang pelikulang iyan ni direk Dan Villegas. Mabilis sila ha, tatahi-tahimik nakuha na pala nila si Aga Muhlach, at hindi lang iyan pati na si Nadine Lustre.

Alam din naman nila, mabilis gumawa ng pelikula si direk Dan Villegas kaya umaasa na naman ang Vilmanians na maaari iyong matapos in time at baka maihabol pa sa Metro Manila Film Festival.

Sigurado, maging ang producers ng pelikula ay gustong ihabol iyan sa MMFF, after all last year ay hindi lamang sila kumita sa festival humakot din sila ng awards dahil sa kanilang ginawang thriller. Alam na nila ang folrmula, at dahil si Ate VI ang star nila, at nariyan pa si Aga, tiyak na mas matibay iyan.

Ideal team-up din talaga iyan at alam ni Ate Vi, ang pelikula nila ni Aga ay sure winner sa takilya, walang duda riyan. Kaya pala iyon ang pinili niyang mauna.

Doc Willie Ong, humihingi ng tulong kay Padre Pio

I was just reminded, sa Lunes, Sept. 23, hindi lang birthday ng aming editor na si Salve Asis, iyon din ang kapistahan ni Santo Padre Pio, sa amin marami nang mga biyaya at milagrong dumating sa pamamagitan ni Padre Pio.

Pero natawag ang aming pansin ng isang vlog si Doc Willie Ong na kung sabihin ay espesyalista sa lahat halos ng sangay ng medisina, at nag-aalok pa ng kung anu-anong gamot sa internet. Ngayon natuklasang may abdominal cancer pala siya at sumasailalim sa pagpapagamot. Pero ang payo niya “dagdagan ang inyong pagdarasal kay Mama Mary at kay Padre Pio.”

Totoo, subukan ninyong magdasal at gumawa ng kahilingan kay Padre Pipo lalo na sa Lunes na araw ng kanyang kapistahan, marami kayong simbahang mapupuntahan na may image rin ni Padre Pio at naniniwala kaming may gagawin din siya para sa inyo.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with