^

Pang Movies

Classic film nina Eddie Romero at FPJ, mapapanood nang libre!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ngayong araw na ito ay ipapalabas sa Metropolitan Theater nang libre ang pelikulang Aguila ng national artist na si Eddie Romero, iyon ay pinangu­ngunahan ng national artist ding si Fernando Poe Jr. Inilabas ang pelikula noong 1980.

 At kakaunti lang na sinehan ang naglabas noon, kasi nga apat na oras ang pelikulang iyan, ibig sabihin tatlong screenings lang ang pwede sa mga sinehan. Kumita man nang malaki talo pa rin sila. Dahil karaniwan noon ang anim na screenings ng isang pelikula sa maghapon. Pero sa alaala namin kumita pa rin ang pelikulang iyon ilang dekada na ang nakalipas.

Ang kuwento ay nagsimula sa isang family reunion ng pamilya Aguila. Tapos mula sa attic ay may nakuha ang isang apo ni Aguila na isang tala ng buhay noon, inutusan nila ang apo na basahin ang kuwento. Iyong cute na batang lalaking apo ni Aguila na bumasa ng kuwento ay si Ariel Muhlach. Kaya nang sumikat siya sa Bagets matapos ang apat na taon, marami ang naghanap ng Aguila, kasi gusto nilang makita kung ano ang hitsura ni Aga noong bata pa.

May nakuha namang kopya sa VHS, pero malabo, pirated kasi, film transfer lang. Noon kasi wala pa namang legal na kopya. Lahat ng mabibili mong bala sa betamax at VHS ay puro pirated lang.

Panoorin ninyo ngayon sa MET nang makita ninyo ang husay nina Romero at FPJ at makikita rin ninyo kung gaano kapogi si Aga noong bata pa.

Panghahalay sa lalake, mas talamak na

May nag-uusap na dalawang marites sa radyo, bakit daw ang lumalabas ngayong hinahalay ay puro mga lalaki wala bang artistang babae na hinahalay rin?

Lately ay wala dahil ang mga artistang babaeng mga baguhan ngayon ang ginagawa ay puro mahahalay nang pelikula. Hindi na sila kailangang halayin dahil ipinakikita na nila ang kahalayan nila.

Isa pa, talamak na ngayon ang mga direktor at line producer na bakla at pag-iinteresan ba nila ang babae eh bakla nga sila.

Sa TV, halos puro bakla na rin, kaya safe ang babae at mas delikado ngayong mahalay ang lalaki.

Kaya nila sinasabi, naku karaniwan na iyan sa show business. Maaaring karaniwan na nga dahil sa rami ng bading, pero hindi ibig sabihin kung karaniwan na ay papayagan na ring mangyari. Kailan ba naging tama ang mali? Hindi dahil ginagawa ng karamihan ay tama na. 

vuukle comment

FERNANDO POE JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with