^

Pang Movies

Nanay ng aktres, tumalak sa brand na kinakain ng kasambahay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pinagalitan ng isang sikat na aktres ang kasambahay nang kumain sila ng delatang corned beef.

Habang kumakain ang kasambahay, nakita ng ina ang corned beef na ulam. Walang kaabug-abog na tinanong ng ina kung anong brand ng corned beef ang kinakain nila.

Sinabi ng kasambahay ang brand. Tumaas ang boses ng ina at sabing, “Bakit ‘yan brand na ‘yan? Hindi ‘yan ang ini-endorse ng anak ko!”

Sumagot ang kasambahay, “Mahal po kasi ‘yun!”

Walang nagawa ang ina at pinatapos pakainin ang kasambahay.

Caloy, hinihintay na sa Quiapo ni Coco

Bumisita rin ang Olympian two-gold winner na si Carlos Yulo sa Kapamilya building. Sinalubong siya ng Channel 2 executives pati na si Coco Martin.

Nang magkaharap sina Coco at Caloy, inalok niya ang Olympian na lumabas sa Ang Batang Quiapo pero sinabi niyang hindi siya marunong umarte.

Sinabihan na lang ni Coco si Caloy na siya na ang bahala. Basta kapag puwede ang schedules niya eh sabihin sa kanya.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with