^

Pang Movies

Julia, napatunayang kailangan si Joshua!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Julia, napatunayang kailangan si Joshua!
Julia Barretto at Joshua Garcia.
STAR/ File

Mabuti at kumita ang pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ngayon maliwanag, kailangan pala talaga ni Julia si Joshua para kumita ang kanyang pelikula.

Ang dami niyang ginawang pelikula na sadsad sa takilya, noong itambal siya ulit kay Joshua ay kumita na, kaya hindi maikakaila na si Joshua ang nagdala.

Caloy, iba na ang tono sa pamilya

Napanood na rin ang double Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa Wil to Win.

Para ngang biglang nakabawi si Willie Revillame dahil kung noong initial telecast ng kanyang show ang itinapat sa kanya ay ang guesting ng kanyang anak sa kalabang programa, ngayon naman ay naisahan niya ang mga iyon na ang palabas ay replay ng guesting ni Caloy na nasa programa naman niya nang live.

Pero hindi maaaring walang katuturan ang kanyang pagiging guest sa Wil to Win, kaya nga hiningan siya ng Willie ng mensahe para sa kanyang pamilya. Maganda naman ang sinabi ni Carlos, nagpasalamat siya sa kanyang pamilya sa kanilang mga ginawang pagdarasal at pag-aalaga sa kanya at kinikilala niyang kundi dahil sa pamilya niya ay hindi niya siguro maaabot kung ano siya ngayon.

Sa statement na iyon masasabi nga sigurong magkakasundo na ang pamilya Yulo kahit na hindi pa magbigay ng limang milyon si Governor Chavit Singson.

Kung tutuusin simpleng problema lang iyan ng isang pamilya, na lumaki lang dahil inilabas nila sa social media at pinalaki naman ng mga marites.

Ate Vi, ayaw singilin si Sec. Ralph

Maniniwala ba kayo sa sinabi ni Ate Vi (Vilma Santos), na binibigyan lang siya ng allowance ni Secretary Ralph Recto?

Mag-iisip ka pero totoo po pala iyon. Kung tutuusin milyon din naman ang kita ni Ate Vi sa kanyang mga pelikula. Pero kahit na noon naman si Secretary Ralph ang provider para sa kanilang pamilya. Gastos niya lahat ng kailangan sa bahay, at kahit na si Ate Vi mismo ang nag-iintindi kung ano ang dapat bilhin at bayaran ang pambili at pambayad ay nanggagaling lahat kay Secretary Ralph.

Gaano naman kalaki ang allowance niya from the secretary?

“Ayos lang naman hindi naman ako humihingi nang masyadong malaki. Basta nabibili ko lang ang mga kailangan ko may kaunting pambili ng iba pa ayos na sa akin iyon.”

Ang ikinatutuwa pa ni Ate Vi, laging very supportive si Secretary Ralph sa ano mang gawin niya noon at ngayon, kaya mas tumitibay pa ang kanilang relasyon habang tumatagal.

‘Kasubo,’ ginagawang pulutan

Natawa kami sa kuwentuhan sa tambayan noong isang araw, hindi na raw ang mga Kapamilya ang usapan, tahimik na sila simula nang mawalan ng prangkisa.

Sinasabi nila na nangunguna ang mga Kapuso dahil sila ang may pinakamalakas na istasyon, pero sa primetime tagilid pa rin sila sa mga content ng kalaban nila na ipinalalabas sa mas maliliit na TV channels.

Kaya ngayon daw mukhang wala nang masyadong network wars. Tahimik na ang mga kapamilya Kapatid at Kapuso. Ang maingay daw ngayon ay ang mga “kasubo.”

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with