^

Pang Movies

Mga akusado sa panghahalay, may subpoena na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Halos humagulgol si Niño Muhlach nang humarap sa pagdinig ng senado tungkol sa sexual harassment case ng kanyang anak na si Sandro. Idiniin ni Niño na masama ang loob niya kay Jojo Nones dahil kilala niya iyon at iginagalang “Kaya ‘di ko talaga matanggap ginawa niya sa anak ko.”

Wala rin si Sandro sa pagdinig ng senado dahil noong mga oras na iyon ay nasa NBI raw siya at sumasailalim sa psychological therapy dahil nga sa nadama niyang trauma sa nangyari sa kanya.

Gaya ng sinabi ng dalawang suspect na sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz, hindi sila nagpakita sa hearing ng senado, wala rin ang kanilang abogado at nagpadala lang ng sulat na hindi sila makakadalo dahil may isinampa nang criminal case si Sandro Muhlach laban sa kanila at ang ano mang statement na gawin nila under oath ay maaaring gamitin laban sa kanila sa husgado.

Kaya sinabi nilang sasagot na lamang sila sa proper forum, at iyon ay sa korte. Ang kanilang sulat ay binasa ni Senador Jinggoy Estrada at matapos basahin iyon ay pinunit niya ang sulat at gumawa ng motion para padalhan ng subpoena ang dalawa para sa susunod na hearing ang motion ni Senador Jinggoy ay agad namang seconded ni Senador Bong Revilla. Si Senador Bong ay katrabaho rin ni Nones sa kanyang sitcom na ginagawa sa GMA.

Samantala matapos na magharap ng mosyon si Senador Jinggoy at pangalawahan ni Senador Bong, agad na inutusan ni Senador Robin Padilla na siyang chairman ng Committee on Mass Media ang secretary of the senate para ipadala ang nasabing subpoena.

Kung hindi sila sisipot sa hearing matapos na matanggap ang subpoena, maaari silang padalhan ng warrant ng senado at madetine hanggang hindi sila humaharap sa hearing.

Natawa kami sa isang narinig naming observation. Sabi nila siguro raw kung nakalusot ang SOGIE bill na isinusulong ni Senador Risa Hontiveros baka nabaliktad pa ni Sandro Muhlach. Kung nakalusot kasi iyon maaari pa siyang idemanda ng dalawang bakla at sabi­hing iyon ay isang kaso ng seduction kasi nga mayroon daw siyang text na magpapatunay na siya ang may gustong pumunta sa hotel room ng dalawa.

Bukod doon maraming iba pang alibi na maaaring sabihin nila na pumalag lang si Sandro dahil hindi nila mabigyan ng role na gusto noon.

Dahil diyan mas lumalakas ngayon ang kampanyang “No to SOGIE Bill.”

Angeli, inaming ramdam ‘pag may tumitigas sa kanyang kaeksena!

Napanood namin ang isang interview ng female bold star na si Angeli Khang sa vlogger na si Toni Gonzaga. Matindi rin ang kuwento ni Angeli. Sinabi niyang minsan talagang matindi ang mga eksenang kanilang ginagawa.“May times na habang nakaplaster, natatanggal young plaster kasi tumitigas. Tapos bago pa mag-take ‘yung direk, hinahalikan na ko. After mag-take, hinahalikan pa rin ako.

“Minsan ang iniisip ko na lang take one lang iyan sige bahala na. Pagkatapos magrereklamo ako sa director, tatanungin ko kung nakita niya ang ginagawa sa akin. Oo naman nakita niya raw at pagsasabihan niya ang mga iyon, pero pagsasabihan lang,” pagkukuwento niya sa actual na nangyayari sa shooting ng kanilang mahahalay na pelikula.

Siyempre mangyayari iyon, maganda at sexy si Angeli Khang. Pero iyan ay nangyayari lamang sa mga mahahalay na pelikula na inilalabas lang sa internet streaming dahil kung sa pelikula iyan na ilalabas sa sinehan, hindi naman iyan palulusutin ng MTRCB.

vuukle comment

NIñO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with