Raymond, may ginagawa para ‘di maapektuhan ang mental health
Gamit pa rin ni Raymond Bagatsing ang method na kanyang natutunan noon para magampanan at makawala sa anumang character na ginagawa niya sa TV at pelikula.
Noong magsimula raw siya sa taping ng Black Rider, hindi raw siya nakikihalubilo sa kanyang co-stars ng ilang weeks dahil gusto niyang ma-achieve ang pagiging masama ng character niyang si Edgardo Magallanes.
“I want to be in-character habang nasa set ako. Kaya di ako nakikipagkuwentuhan with anybody sa set. Ayokong i-break yung concentration ko. ‘Yun ang method na dala-dala ever since and it proved very effective sa akin,” paliwanag ng award-winning actor.
Para naman daw makawala siya sa role, malalim na cleansing ang ginagawa niya para di raw niya madala sa bahay niya ang pagiging Edgardo.
“Malaking tulong ang yoga sa akin. Naka-focus ako to wash away yung toxic energy ng character mo. Mahirap na kasi na madala mo yun at nakakaapekto ‘yun sa mental health natin.”
Kim, ayaw sa sex and...
Nilinaw na ni Kim Cattrall ang mga balitang kumalat na makakasama na siya season 3 ng Sex And The City reboot series na And Just Like That…
Nagkaroon kasi ng special appearance si Kim as Samantha Jones sa last episode ng AJLT season 2. Nag-usap sila ni Carrie Bradshaw (Sarah Jessica Parker) over the phone dahil nasa London siya.
Noong ma-renew for season 3 ang series, may nagkalat sa social media na mabubuo na ulit ang girls ng Sex And The City. Pero diretsang sinagot ni Kim ito via X: “Aw that’s so kind but I’m not.”
Never nga raw siya nakipag-usap with any HBO executives re the show. One time thing lang daw yung ginawa niya last season and she has put Samantha Jones to rest.
- Latest