^

Pang Movies

Sheryl, may jowa ulit na foreigner

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sheryl, may jowa ulit na foreigner
Sheryl Cruz at bf

Malakas ang bulong na mukha raw nakatagpo na ng bagong pag-ibig si Sheryl Cruz na isang Middle Eastern man.

Matagal na namang hiwalay si Sheryl sa kanyang asawa, kaya umuwi nga siya rito sa Pilipinas.

Iyan naman ang madalas na nagiging problema, mara­ming madaling ma-in love sa mga foreigner at inaakalang mas bongga ang pag-aasawa roon kasi maganda ang nakikita nilang buhay pero hindi nila naiisip ang kakaibang ugali ng mga dayuhan na malayo sa ating nakagisnan, kaya ang nangyayari nagkakahiwalay rin.

Isa pang halimbawa riyan si Ruffa Gutierrez hindi ba ok sa kanya noong una ang asawang si Yilmaz Bektas pero nang lumaon, ano ang nangyari? May mga balitang sinasaktan na siya.

Kaya huwag pabigla-bigla si Sheryl sa pagka-in love ulit. Isip-isip muna.

Vic at Vice, tiyak na no. 1 sa MMFF

Ang usapan ngayon tiyak daw na tatabo na ulit sa takilya sina Vic Sotto at Vice Ganda ngayong kasali na ulit sila sa Metro Manila Film Festival. Bago ang pandemic sila lang naman halos ang naglalaban sa top grosser, kasi talagang pelikula nila ang dinudumog ng mga tao.

Nang matapos ang pandemic wait and see ang attitude ng halos lahat, wala pa ring gustong gumawa ng malaking pelikula.

Noong nakaraang taon lang nakabawi ang festival, dahil sa effort ng mga artista mismo.

Noong matapos ang festival at wala nang nag-promote, balik kamote na naman ang mga pelikulang Tagalog.

Ngayon dahil nakaahon-ahon na balik na naman ang mga komedyante, mukhang may pag-asa na pero dapat mabalanse ng MMFF, walang dudang pinili nila sina Vice at Vic dahil kikita ang mga pelikula noon.

James, ayaw na ng loveteam!

May balak pa raw bumalik si James Reid sa pagiging artista pero ayaw na niya ng may ka-loveteam.

Wala naman kasi siyang makukuhang ka-love­team, lahat ng mga artistang may K may ka-loveteam na, maaari bang loveteam niya ang syota niyang si Issa Pressman.

Si James, sumikat nang itambal kay Nadine Lustre. Lumakas ang kanilang love team.

Pero nang maghiwalay sila, nanibago ang fans.

Umangat ang career ni Nadine at naging best actress pa sa pelikulang Deleter noong MMFF 2022 at nakatanggap pa ng ibang awards.

Pero naiwan si James dahil sa maling diskarte sa career at ngayon naisip niyang magbalik ulit sa acting pero walang love team.

Dapat kung gustong magbalik ni James huwag na muna siyang mag-demand ng kung anu-ano. Tanggapin na lang niya kung ano ang dumating at umasa na susuportahan siyang muli ng mga tao.

vuukle comment

SHERYL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with