^

Pang Movies

Claudine, umalma sa mga sinabi kay Rico!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Claudine, umalma sa mga sinabi kay Rico!
Claudine at Rico

Inalmahan ni Claudine Barretto ang isang statement about Rico Yan na pinalalabas na galing sa kanya.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng post na diumano’y galing sa kanya under the name Margaret Barretto.

Nakasaad sa statement: “Please respeto kay Yan. Tinalo niyo pa ako sa mga pa-time lapse niyo. Wag niyo ipilit yung pag-alala kay Yan, hindi niyo naman na siya naabutan. Wag niyong gawing content yung puntod niya.”

Makikita rin sa tabi ng pangalang Margaret Barretto ay ang verified check na ang ibig sabihin ay legit account niya ito.

Kaya naman nagpahayag ng pagtutol si Claudine dahil baka marami ang maniwala na sinabi niya talaga iyon.

Sa itaas ng larawan ay nilagyan ito ni Claudine ng malaking “FAKE NEWS.”

Well, wala pa ngang pahayag ang aktres tungkol sa usong-uso ngayon among Gen-Z na pagpo-post ng selfie or video habang nasa puntod ng nayamapang aktor.

Dinudumog nga raw ngayon ng mga tao ang libingan ng yumaong ex-boyfriend ni Claudine at ginagawang content sa kani-kanilang vlogs or social media accounts.

Tahimik lang si Claudine about this pero ang pamilya Yan ay nagbigay na ng pahayag na sa ngayon ay wala pa naman daw dapat ikabahala at nagpasalamat sa lahat ng supporters ng aktor na pumupunta sa mausoleum.

“We welcome po anyone from anywhere. We have visitors from abroad visit Rico’s tomb and there are visitors weekly since 22 years ago,” pahayag ng kapatid ni Rico na si Bobby Yan sa ABS-CBN.

Zeinab at Bobby, nakadepende sa bituin ang future

Isang linggo matapos ang kanilang engagement ng basketbolistang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr., parang nasa cloud nine pa rin si Zeinab Harake at hindi pa rin makapaniwala sa bonggang effort na ginawa ng kanyang dyowa sa proposal.

“Sobrang magical. ‘Pag nakikita ko ‘yung video, ‘yung pictures, lahat ng in-upload namin sa social media, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. Ginawa mo talaga sa akin ‘yun? Magical talaga siya. Magical with love,” sey ni Zeinab sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN.

Ikinuwento naman ni Ray ang ginawa niyang preparasyon na siyempre ay nagsimula sa pagbili niya ng ring. Aniya ay inorder pa raw niya ang singsing sa US noong February pa.

“Una ‘yung ring, inorder ko na siya noong February pa lang. Actually, from there that’s when the ball started rolling,” sey ng basketball player.

At nakakatuwa dahil kumonsulta pa siya sa astrologist para sa date ng kanyang proposal.

“Kinausap ko na ‘yung organizers namin. A month and a half prior to the date, which is July 5th, kinausap ko na rin ‘yung astrologist niya to make sure that the stars are aligned,” he said.

‘Yun pala, mahilig pala sa astrology si Zeinab at naniniwala sa mga alignment ng stars.

“Nagpa-astro ako nung na-meet ko siya (Ray). Five days pa lang kami magkausap, hiningi ko pa birth certificate niya, ‘bakit kaya niya hinihingi birth certificate ko?’ Pero sinabi ko sa kanya, gusto kong makita kung compatible ba tayong dalawa. Lumabas naman. Nasa future ko siya,” tsika ni Zeinab.

Sabi naman ni Bobby, “July 5th was in her stars, to be honest. That was the date that was given to me that stood out. And I just wanted to honor her when it comes to that kasi she’s so big when it comes to her stars.”

Tungkol sa kung kailan ang kasal, ayon sa engaged couple, “next year for sure. Wala lang kaming ibibigay na final date, pero next year is for sure.”

Intimate lang daw ang gusto nilang kasalan pero baka raw sa outdoor since mahilig sila sa nature.

Pagkatapos ng kasal ay plano raw nilang magpatayo ng kanilang sariling dream house at nakabili na nga raw sila ng lupa.

Of course, plano nilang magkaroon ng baby pero pagkatapos na raw ng construction ng bahay.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with