^

Pang Movies

Barbie, humingi ng respeto tungkol kay Richard!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Barbie, humingi ng respeto tungkol kay Richard!
Barbie

Inamin ni Barbie Imperial na talagang kinabahan siya sa mga itatanong sa kanya sa mediacon ng pinagbibidahang pelikulang How to Slay a Nepo Baby under Viva Films and Happy Infinite Productions.

Dumalo ang aktres sa presscon na ginanap last Thursday at sa unang tanong pa lang ay nagpasalamat na siya agad sa press.

“Thank you so much po sa question, maraming salamat at kabado talaga akong pumunta dito,” aniya.

Nang matapos nga ang presscon ay inulit ni Barbie ang pasasalamat. Obviously, ito ay dahil sa walang nagtanong about her personal life na siyang ikinakakaba niya, partikular na nga ang rumored relationship with Richard Gutierrez.

“Maraming salamat po sa respeto,” ani Barbie at the end of the presscon.

Anyway, when it comes to the movie, naikwento ng aktres na marami silang challenge na naranasan habang nagsu-shoot ng pelikula sa Sagada.

“Medyo weird talaga habang nagsu-shoot kami. Medyo binisita yata kami ng mga something, kasi actually, ang daming nangyayari po habang pini-film namin,” aniya.

Tsika pa niya, “nahulog ako sa hagdan. Tapos si JC (Galano), in-asthma, si Sue (Ramirez), nagkasakit. So, parang medyo mabigat siya, actually nung ginagawa namin. Pero nairaos naman po namin.”

Ayon naman sa co-star niyang si Charm Aranton, challenge rin ang paglalakad at pag-akyat nila sa bundok sa tuwing magte-take.

Pero sinigurado naman ng buong production team na safe sila at ‘pag unsafe naman daw ang sitwasyon ay hindi na itinutuloy ang shoot.

Literal na slay ang mapapanood n’yo sa pelikula na tungkol sa grupo ng entitled rich kids na haharapin ang bingit ng kamatayan.

Ang How To Slay A Nepo Baby ay mula sa direksyon ni Rod Marmol. Kasama rin dito sina Chaye Mogg, Sue Prado, NAIA Ching, Ralph Gomez, Phi Gomez, at Coi Suazo. Mapapanood na ang pelikula sa July 31, 2024, in cinemas nationwide.

Sen. Lapid, proud sa award ng EDDYS

Sobrang proud and honored si Sen. Lito Lapid sa recognition na ibinigay sa kanya ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) para sa kanyang naiambag sa industriya ng pelikulang Pilipino sa nakalipas na ilang dekada.

Mula sa pagiging extra, stuntman at bida sa mga pelikula, hindi pa rin iniwan ni Lapid ang showbiz industry kahit sya ay nagsilbing vice governor, governor ng Pampanga at ngayon senador sa loob ng tatlong termino.

Binigyan ng Icon Award ang actor-politician sa katatapos lang na 7th Eddys o Entertainment Editors Choice Award nitong nakaraang weekend.

In behalf of the Senator, tinanggap ng kanyang pamangkin na si Atty. DX Lapid ang tropeo kasunod ang taus-pusong pasasalamat sa mga bumubuo ng SPEED at mga kasama sa showbiz industry.

Sa binasang speech ay ipinahayag ng pamangkin ni LL ang pasasalamat ng actor/politician sa natanggap na award.

“Supremo Senator Lito Lapid is deeply grateful for the recognition of his contributions to the Philippine film industry. Pinapaabot din nya ang pagbati sa mga kapwa artista na nakatanggap din ng karangalan mula sa SPEEd,” saad ni Atty. Lapid.

“Sa mahabang panahon, mahal ni Supremo ang industriyang ito. Nagsimula sya sa pagiging extra at stuntman hanggang sa pagbibigay-buhay sa mga karakter sa pelikula at telebisyon gaya ng sa kasaluyang, Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo kasama si Direk Coco Martin.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with