^

Pang Movies

Janine at Jericho, spotted din sa museum!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pinag-uusapan na nakita raw sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales na magka-date sa isang museum tour kamakailan.

Na sa umpisa ay parang ang hirap paniwalaan.

Naunang nagpakasal ang aktor kay Kim Jones noong 2014 tapos noong Enero 2024 matapos ang sampung taon nilang relasyon, bigla na lang sinabing hiwalay na sila ng asawa.

Tapos ang kuwento naman ay nanliligaw diumano siya kay Kathryn Bernardo matapos break up nito kay Daniel Padilla, pero na-sideline lamang siya dahil pumasok bigla si Alden Richards, na nakakuha pa raw ng simpatiya ng pamilya ni Kathryn at ngayon ay katambal pa ng aktres sa isang pelikula.

Si Janine naman ay sinasabing heartbroken kay Paulo Avelino.

Pero spotted na naman daw sila sa isang lugar.

May posibilidad kaya na maging seryoso ang kanilang relasyon?

Ramdam na mabait si Janine kaya kung totoo ito, sana naman ay hindi siya saktan ni Jericho. Seryosohin siya at mahalin siya nang totoo.

Anak ni Claudine, biglang naging hot item

Ang bilis talaga ng mata ng fans basta nakakita ng pogi. Ngayon naman ang binabantayan nila ay si Santino na anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Noon kasi ang lumalabas na pictures ni Santino ay bata pa tapos bigla nilang nakita ang picture niya na binata na at pogi naman talaga.

Hindi naman imposible na pumasok din sa showbiz si Santino, dahil ang pamilya ng kanyang nanay at tatay ay puro taga-showbiz.

Tiyuhin niya sina Rowell Santiago at Randy Santiago.

Sa nanay naman, tiyahin niya si Gretchen Barretto at pinsan niya si Julia Barretto. Magtataka pa ba kayo kung si Santino ay mahikayat ding pumasok sa show business eh iyon ang pinagsimulan ng kanilang pamilya at may karapatan naman siya.

Mga artistang intsik, ‘di nakakalusot!

Nagulat kami sa narinig naming balita noong isang gabi. Iniimbestigahan daw ng NBI ang sinasabing pagkuha ng mga pekeng birth certificate ng mga Chinese na nagpapanggap na Pilipino ngayon sa lungsod ng Davao noong mga taong 2018 hanggang 2019.

Ang mga Intsik diumano ang siyang nagpapatakbo ng mga POGO at iba pang illegal na negosyo sa bansa.

Mabuti na lang at wala pang mga artistang intsik na pumapasok sa Pilipinas, kung hindi baka maging tambakan tayo ng mga Chinese artist lalo na’t madali pala silang makapasok at makakuha pa ng pekeng birth certificate sa Davao.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with