^

Pang Movies

Standee ni Bini Sheena, ninenok

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Standee ni Bini Sheena, ninenok
Sheena Catacutan.
STAR File

Nanawagan na sa publiko ang Star Magic head na si Direk Lauren Dyogi na ibalik ang nawawalang standee ng isa sa miyembro ng Pinoy pop group BINI na si Sheena Catacutan.

Sa Instagram reel na ibinahagi ng Star Magic, mapapanood ang campaign ni direk Lauren na may hashtag “#SheenaHanapHanapKita” para hanapin ang standee na nawala noong June 11.

“#BINI: Huwag muna tayong umuwi BLOOM, at sama sama nating hanapin ang nawawalang standee ni Sheena! Ilabas na ang inyong mga [emoji] detective skills dahil we can’t feel good kung hindi #WaloHanggangDulo ang ating BINI standees! [emoji],” pahayag ng executive.

Nakalagay rin sa caption na makatatanggap ng reward ang kung sino mang makapagbabalik ng standee ni Sheena.

Sa video ay nagpasalamat si Direk Lauren sa lahat ng Blooms (tawag sa fans ng BINI) sa walang sawang suporta ng mga ito lalo na sa nagdaang third-anniversary celebration ng grupo na ginanap sa One Ayala Mall noong June 11.

“Hello, Blooms! I hope it’s a good day for all of you. Una-una, I’d like to thank you on behalf of the entire BINI and ABS-CBN Management for all the support you’ve been giving to the girls these past few events. Maraming maraming salamat po.

“They were very, very heartwarming events kasi ang dami-dami po talaga sumusuporta ngayon sa ating beloved girls sa BINI. Especially during the BINI Day, matutuwa kami na marami ang pumunta sa first Happy BINI Day celebration natin sa One Ayala,” mensahe ni Direk Lauren.

At sa naturang anniversary celebration ay nangyari nga ang hindi inaasahan na may kumuha ng standee ni Sheena at hinihinalang ang isa sa gumawa nito ay fan ng BINI.

“I hope hindi siya Bloom, pero malamang at sa malamang, e, Bloom itong taong to, dahil nandun sa BINI Hour—na medyo po tumangay sa isa nating standee,” ani direk Lauren.

Kaya naman nakiusap ang ABS-CBN boss na sana ay maibalik sa kanila ang standee ni Sheena.

“Unang una, nakakalungkot kasi to know that isang Bloom ang puwedeng gumawa nito. Hindi maganda ‘yung pagkukuha ka ng bagay na hindi sa inyo.

“At the same time, very important ito sa amin. Very important, not only figuratively because kailangan kumpleto sila, but because it happened on the anniversary day of BINI. Gusto namin na kumpleto talaga ang standees ng BINI so that all other Blooms can also enjoy it, have pictures with them,” pahayag ni direk Lauren.

Inanunsyo rin niya na bibigyan nila ng reward ang makapagsasauli ng naturang standee.

“Magkakaroon po ng magandang reward, isang surprise na reward sa mga darating na panahon. Magkakaroon ng special reward itong sino man na makakapagbalik sa amin ang standee ni Sheena.

“Kailangan po hindi kayo ‘yung kumuha nun. So humingi po ako ng tulong sa iba pong mga Blooms natin na may alam, o puwede magturo, o puwede magdala pabalik dito sa ABS-CBN ni Sheena. So, puwede niyo pong ipagbigay alam sa amin ‘yan kung paano kami, paano natin matutunton ang nawawalang standee ni Sheena na ‘yan.

“Sabi nga, walo hanggang dulo. So, pakitulungan niyo na po kami mahanap ang nawawalang standee ni Sheena. Hashtag #SheenaHanapHanapKita,” pahayag ni Direk Lauren.

Anak nina Maja at Rambo, dinayo nina Marco at Lara sa Canada!

Masayang-masaya ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez na dinayo pa sila sa Canada ng kaibigang showbiz couple na sina Marco Alcaraz at Lara Quigaman para personal silang makita ang kanilang first baby.

Ipinost ni Lara sa Instagram ang larawan nilang apat kasama si Baby Maria at caption ng aktres, “from Pampanga to Canada.”

Makikita nga sa picture na karga pa ni Lara ang baby nina Maja and Rambo.

Ini-repost naman ito ni Rambo sa kanyang IG Story at nagpasalamat sa mag-asawa.

“All love for years of great friendship. Thanks for spending time with us & Maria,” saad ni Rambo.

Ini-repost naman ulit ito ni Lara at sa caption ay sinabi niyang “missing Maria already.”

Matatandaang nagkasama ang dalawang aktres sa The Killer Bride teleserye in 2019. Isa rin sa mga dumalo sa kasal nina Maja at Rambo sa Bali, Indonesia ang mag-asawang Marco at Lara.

vuukle comment

SHEENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with