^

Pang Movies

Dingdong, pikon sa isyu ng anak sa labas

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dingdong, pikon sa isyu ng anak sa labas
Dingdong

Mariiing itinanggi Dingdong Dantes ang hindi mamatay-matay na isyung may anak siya sa aktres na si Lindsay de Vera.

Matatandaang nagkasama sina Dingdong at Lindsay sa seryeng Pari Koy in 2015 at sa Alyas Robin Hood in 2016. Pagkatapos ito ay umugong na ang balitang nagkaroon sila ng relasyon at nagbunga raw ito ng isang anak.

Itinanggi na rin ito ni Lindsay noon pero bigla na namang nabuhay ulit ang issue ngayon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda last Thursday kung saan ay guest si Dingdong, diretsong tinanong ni King of Talk Boy Abunda ang aktor kung may anak siya kay Lindsay.

“Wala po,” diretso ring sagot ni Dong.

Ayon pa sa aktor, nagdadalawang-isip nga raw siya kung sasagutin ang isyung ito dahil alam niyang itatanong ito sa kanya.

“Sa totoo lang, eh, tito,  nagdadalawang isip talaga ako kagabi kung sasabihin ko ba or may sasabihin ba ako about the topic and the issue, kasi alam kong baka tanungin ninyo ngayon,” ani Dong.

“Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa akin, mga  kaibigan, mga kamag-anak, ‘yung mga nagmamalasakit po sa akin and I think, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, sa aking mga kaibigan,  responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang-mahalaga po ang aspetong ito para sa akin,”patuloy niya.

Alang-alang na rin daw sa kanyang pamilya kaya kailangan niya rin itong klaruhin.

“I have a responsibility sa aking pamilya to clear things like this because I love my wife, I love my family very much, my kids, that’s why I’m saying that it is not true,” saad ni Dong.

Noong una raw ay pinagtatawanan lang daw nila ito ng asawang si Marian Rivera pero dumating na nga raw sa puntong marami na ang nagtatanong sa kanya.

“Once and for all I’m clarifying na hindi siya totoo,” sey ng aktor.

Hindi rin daw niya alam kung bakit hindi mamatay-matay ang intrigang ito at first time raw niyang mapunta sa ganitong sitwasyon.

Denise Laurel, napagkamalang si Deniece Cornejo!

Pagod na pagod na si Denise Laurel sa pagsagot sa netizens na pinagkakamalan siyang si Deniece Cornejo, ang model na sinampahan ng kaso ni Vhong Navarro noong 2014 along with Cedric Lee na nahatulan ng habang-buhay na pagkakakulong.

Sa Instagram reel na ipinost ni Denise ay makikita ang compilation ng mga mensahe natatanggap niya mula sa netizens. May nagtatanong kung nakalaya na ba siya o kung totoo bang nahatulan siya ng life sentence at marami pang tanong na dapat ay patungkol kay Deniece.

Sa caption, sinabi ng aktres na hindi naman daw siya galit kundi pagod na.

“A lil PSA I’m Not mad, just tired,” aniya.

Nilinaw niya na ang kanyang pangalan ay may ‘S.’

“Its DeniSe. with an Sssss.. the oG yung L yung start ng apilyedo.. just let me be DeniSseeeeeee..,” sey niya,

Pagbibiro pa ng aktres, “I Serve you years of talent not foodz.”

“Di lumalagpas kahit anong live or post may hirit haha i got no issues since birth,” sabi pa ng aktres.

Aniya pa, since 2014 pa raw nangyayari ang ‘mistaken identity’ na ito sa kanya na nagsimula nga sa controversy nina Vhong at Deniece.

“Enoughs enough I’ve been a good sport since 2014. Wrong send po kayo since 2014,” saad ng aktres.

Sey pa niya, “desperate to find the strength to politely laugh for the past 10 million years everytime someone feels like they’re being witty asking why I’m not in jail.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with