^

Pang Movies

Hapag Movement at Project Pearls, nagsanib-pwersa

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas pinalawak pa ng Globe ang saklaw ng Hapag Movement nang makipagsanib-pwersa ito sa US-based non-profit Project PEARLS kung saan binubuksan nito ang programa sa global audience.

Maaari nang magkapag-donate sa Hapag Movement ang mga indibidwal at korporasyon mula sa iba’t ibang lugar ng United States sa pamamagitan ng Project PEARLS via www.globe.com.ph/globeofgood. Magbibigay rin ito ng required certificates sa mga kumpanya at indibidwal para sa lahat ng natanggap na donasyon mula sa paligid ng US.

Ang pagsasanib-pwersa nila ay nagpalawak ng saklaw nito sa US, isang critical donation funding source na tahanan ng mahigit apat na million Filipino-Americans. Inaanyayahan naman ng Globe ang mga US-based individuals at businesses na suportahan ang layunin.

Ginagamit naman ng Hapag Movement ang technology at partnerships para magtulak sa mas marami na umaksyon para sa ikauunlad habang pinalalakas din ang partner organizations.

Mula nang ilunsad ito noong 2022, nakapagbigay na ito sa 95,000 Pilipino ng food packs, at nakapagprodyus ng 2,662 livelihood training graduates kung saan 2,361 sa kanila ay nagpatayo ng kanilang maliit na negosyo.

Founded in 2010, nakatuon naman ang Project PEARLS na wakasan ang kahirapan sa Pilipinas sa pamamagitan ng education, empowerment, nutrition, nourishment, at healthcare initiatives.

Sinusuportahan din nito ang mga komunidad sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Zamboanga Sibugay at Zambales sa pamamagitan ng mga programa gaya ng scholarships sa humigit-kumulang 700 estudyante, daily meals, health clinic, literacy clubs, at women’s livelihood training.

PROJECT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with