^

Pang Movies

Marian, gustong gumawa ng edgy film!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sa interview kay Dingdong Dantes sa 24 Oras, nabanggit na excited ang asawang si Marian Rivera sa Cinemalaya movie nito na Balota. Ayon kay Dingdong, nasa point ng career si Marian ngayon na gustong gumawa ng edgy film at idagdag na rin na kakaiba ang tema.

Ibang-iba ang tema ng Balota sa mga nagawa ng pelikula niya at siguradong pag-uusapan. Puwede ring sabihin na malakas ang hatak nito sa box-office ng Cinemalaya at may mga nabasa na kaming comment na bibili na sila ng season pass sa Cinemalaya para masigurong mapanood ang first Cinemalaya film niya.

Ang GMA Pictures at GMA Entertaiment Group ang co-producers ng Balota na sinulat and to be directed by Kip Oebanda. Na-announce na rin ang cast at ang hula agad ng netizens sa gaganap na former sexy male actor running for mayor ay si Gardo Versoza. Ang gaganap naman daw na land-grabbing tycoon ay si Joel Saracho.

Sa Aug. 2 to 11 tatakbo ang 2024 Cinemalaya, may three months pa para magawa ang pelikula na habol na habol sa deadline ng Cinemalaya. By the time na nagsimula siyang mag-shooting, tapos na ang taping niya para sa My Guardian Alien, kaya walang magiging conflict sa schedule.

Miel, cool lang sa nagsabing anak siya nina Rico at KC

Ang sagot ni Miel Pangilinan na “hindi daw sabi nya,” sa comment na “anak daw yan ni Rico Blanco.”

Natawa ang netizens sa sagot niya na sobrang cool at hindi man lang nagalit ay hindi inaway ang nag-comment. Paulit-ulit ang isyu na ito dahil lang sa nagkaroon ng relasyon sina Rico at KC Concepcion. Paulit-ulit din itong nililinaw ni Miel, pero hindi mamatay-matay at bigla na lang mabubuhay.

Obviously, hindi nakita ng nag-comment na si Kiko ang ama ni Miel nang ipagbuntis siya ng mom niyang si Sharon Cuneta hanggang siya’y ipanganak. Tama ang reaction ng ibang netizens, saang planeta ba siya nanggaling at hindi niya alam na sina Sharon at Kiko Pangilinan ang parents niya.

May appreciation post pa nga siya sa parental niya na ang sabi, “thank u for creating me i’m forever thankful for the support i get from the both of you, i am who i am because of you. i love you both forever and ever.”

Michelle, kinilig sa totoong lalaki

Kinilig ang shippers nina Michelle Dee at Oliver Moeller sa “Happy Birthday, Michelle” birthday greetings ni Oliver sa kanya na birthday noong April 24. ‘Yun lang ang birthday greetings, pero ang reaction ng netizens, over a hundred.

Lahat kinilig sa birthday greetings nito at may nagpahayag pa ng suporta sakaling magkaligawan ang dalawa. Nalaman tuloy naman na “Papa Bear” ang tawag ng fans kay Oliver, ibig ba nitong sabihin, “Mama Bear” ang tawag nila kay Michelle?

Kahit pala sa Cornerstone Entertainment pumirma ng managerial contract si Oliver, marami pa rin ang umaasa na magkakasama sila sa isang project. May mga talent daw ang Cornerstone na may project sa GMA Network kung saan naman, contract star siya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with