^

Pang Movies

Kim, naka-move on na kay Xian!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, naka-move on na kay Xian!
Kim Chiu.
STAR/ File

Hindi nakaligtas sa pangangantyaw si Kim Chiu mula sa mga kasamahan sa It’s Showtime matapos lumabas ang pag-amin ni Xian Lim sa bago nitong karelasyon.

Matatandaang lumabas last Thursday ang exclusive interview ng aktor sa Esquire at dito ay kinumpirma niya ang relasyon kay Iris Lee na associate producer sa Viva.

In fairness, mukha namang naka-move on na si Kim sa breakup nila ni Xian dahil maaliwalas na ang kanyang aura at mukhang happy na siya. Unlike noong katatapos lang ng kanilang hiwalayan na ang lungkot-lungkot ng mata niya at halata mong may pinagdadaanan.

Matatandaang kinumpirma ng KimXi ang kanilang breakup via Instagram post noong December, 2023.

Marco, nagkulong sa kwarto para maging kargado

Aminado si Marco Gallo na marami siyang natutunan sa onscreen and offscreen partner niya na si Heaven Peralejo in terms of ac­ting lalo na nga sa latest film nilang Men are from QC, Women are from Alabang ng Viva Films.

Aniya sa panayam nila ni Heaven sa Kapamilya Chat online, pagdating daw sa trabaho ay wala siyang masasabi sa girlfriend.

“She is one of a kind and you know, I could only wish to get to her level and everytime I work with her, I learn a little bit more. I think, I’m getting better in acting because of her,” sey ni Marco.

Sabi naman ni Heaven, talaga raw lagi niyang pinu-push ang BF to be the best that he can be. Tulad na lamang daw sa Men are QC, Women are from Alabang, talagang sinasabihan niya ang aktor ng mga dapat gawin.

“I always push him to be like, the best. All the time. So, may mga scenes na alam kong nabubuwisit na siya, kasi like kunyari, reading pa lang, sabi ko, ‘hindi ganyan si Tino (name ng karakter ni Marco sa Men are from QC, Women are from Alabang), hindi ganyan.’ (Sabi niya), ‘wait lang, reading lang naman,’” kwento ni Heaven.

Sa isang heavy scene naman daw nila sa movie, kinailangan pa nilang magkulong sa kwarto at i-push ang isa’t isa para ‘pag nag-take ay kargado na sila.

Kaya naman hindi kataka-takang puro positive reviews ang nakukuha ng MarVen sa acting nila sa film dahil talaga namang pinaghandaan at kinarir nila ito nang husto.

Napanood namin ang pelikula sa ginanap na premiere night last Tuesday sa SM North and we’d say, ito na ang best film so far ng MarVen.

Proud na proud din ang dalawa na maraming pumupuri sa pelikula at super thankful din sila sa direktor na si Gino Santos.

“We’re just so happy and so glad na si direk Gino actually ang direktor namin kasi hindi lalabas ang galing namin actually ni Marco kung hindi dahil sa kanya. You know, ‘yung trust namin na binigay sa kanya talagang… Nung pinanood namin ‘yung film kahapon, it was so beautiful and we’re just so proud of this film,” sey ni Heaven sa panayam ng entertainment press at the preem night.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with