^

Pang Movies

Angel, walang ingay ang birthday celeb

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Angel, walang ingay ang birthday celeb
Angel Locsin

Noong isang araw bumuhos naman ang birthday greetings kay Angel Locsin na nagdiwang ng kanyang ika-39 na kaarawan. Medyo tahimik at pribado ngayon ang celebration ni Angel dahil hindi nga siya aktibo sa show business.

Medyo nagpahinga muna siya matapos ang sobrang pagod noong panahon ng pandemya at pagkatapos ay na-red tag pa nga siya dahil sa kanyang pinsan at kapatid. Kung anu-ano ang sinabing mga paratang pati kay Angel. Dahil doon minabuti na muna niyang umiwas sa limelight after all wala na naman siyang kailangang patunayan bilang isang aktres. Naabot na rin niya ang lahat.

May panahong siya ay naging number one rin at ngayon hinaharap nga niya ang kanyang buhay may asawa. Pero hindi pa naman siguro iyan ang katapusan ng career ni Angel. Palagay namin hindi magtatagal, kung maayos na ang lahat, babalikan din niya ang pagiging isang aktres. Kung hindi na niya gagawin iyon ay malaking kawalan din sa industriya ng pelikula dahil talaga namang napakahusay niyang artista at nakukuha niya ang suporta ng fans at publiko.

At 39, bata pa rin naman si Angel, at maganda pa rin naman.

Ang isa pang naging problema niya ay iyong kanyang sakit noon sa likod. OK na naman daw pero hindi dapat na nabibigla sa trabaho. Hindi ba iyon nga ang dahilan kung bakit niya tinanggihan ang Darna, na naging malaking hit sana kung siya ang gumanap.

Pero naniniwala kaming isang araw mabubulaga na lang tayo ng pagbabalik ni Angel Locsin bilang isang aktres.

Nanay nina patrick at Cheska, matagal nang may iniindang sakit!

Nalaman na lang namin na ang ermat pala nina Patrick at Cheska Garcia ay pumanaw na noong nakaraang Sabado, Abril 20 sa edad na 70. Hindi naman sinabi ang dahilan ng kanyang pagpanaw pero matagal na rin namang may sakit ang ermat nilang si Bing Velasco.

Nalaman naman namin iyan dahil kay Sharmaine Arnaiz na pinsan nila. Ang ermat si Sharmaine at si Aling Bing ay magkapatid. Halos kapitbahay lamang namin sila dati noon sa may Roosevelt.

Natatandaan namin, ang isang naging close kay Miss Bing ay ang aming kaibigan at photographer na si Bobot Meru na pumanaw na rin noon pa, sabay kasi silang nagtuturo noon sa Benilde.

Nakahimlay ang kanyang mga labi sa Arlington Chapels sa Araneta Avenue simula kahapon at mananatili roon hanggang sa final “celebration of life” sa Biyernes ng gabi, April 26, at may misa ng alas siyete ng gabi.

Nakikiramay kami kina Patrick, Chesca at sa mga pinsan nilang sina Sharmaine at Bunny Paras na aming mga kaibigan.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with