^

Pang Movies

Dimples, may pa-throwback sa birthday ni Angel!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dimples, may pa-throwback sa birthday ni Angel!
Dimples at Angel

Nagbigay ng mensahe ang aktres na si Dimples Romana para sa kaibigang si Angel Locsin na nagselebreyt ng birthday kahapon.

Dinaan sa social media ni Dimples ang mensahe para sa kaibigan.

Maikli at sinimplehan lamang nito ang kanyang birthday greeting.

“Maligayang kaarawan Lyka. Mahal kita lagi lagi” mensahe nito sa kanyang best friend.

Maaalalang bumida si Angel sa hit series noong taong 2008 na Lobo kung saan gumanap siya bilang Lyka na bahagi rin si Dimples.

Kasalukuyang nasa hiatus ang misis ni Neil Arce at halos dalawang taon na itong walang paramdam.

Ayon nga kay Dimples ay masaya ang best friend niya ngayon na malayo sa showbiz na hindi rin nagpaparamdam sa social media. Hindi rin daw ito humahawak ng cell phone na tila naka-social media detox.

Tinanggi rin nito ang intrigang hiwalay na ang kaibigan sa mister na si Neil.

Sabik nga rin daw siya sa posibleng pagbabalik ni Angel sa industriya at inulan nga ng pagbati ang post niya sa kaibigan mula sa mga tagahanga nito.

Hirit nga ng mga ito ay magpakita na sana si Angel.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DIMPLES ROMANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with