^

Pang Movies

Andrea, rumampa sa Bridgerton

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Andrea, rumampa sa Bridgerton
Andrea

Mga inggit kay Andrea Torres ang mga nag-comment na bakit invited ang Kapuso aktres sa premiere ng Season 3 ng Bridgerton sa Australia. Bakit daw naimbita siya? Bakit daw relevant siya sa Australia? At bakit sa rami ng Filipino actresses na mas sikat sa kanya, siya ang naimbita?

Hindi sila nasagot at hindi sasagutin nito ang netizens na hindi naman fan ng aktres, at nainis lang siguro sa mga kawawaang mga tanong ang sumagot ng “Bakit hindi?”

Ang netizens din ang sumagot sa tanong ng isa pang inggitera kung bakit naimbita siya, eh matigas daw ang dila nito magsalita. Kulang na lang sabihin ng hater niya na hindi siya marunong mag-English.

Sagot ng defender niya, sure siya na hindi rin maayos magsalita at mag-English ang hater ng aktres. Ipinaalam sa kanya na educated ito and she came from very good schools. Ang alam namin, sa St. Scholastica siya nag-elementary at nag-high school, hindi lang kami sure sa college kung sa St. Scholastica pa rin o sa UST. Professor kasi ang dad niya sa UST at hindi ito papayag na hindi nag-aral ang mga anak.

Anyway, deadma rin naman siya sa bashers at nag-enjoy sa premiere night at sa activities  na may kinalaman sa event. May water color pain­ting ang mga invited at perfumery.

Abogadong searcher ni Michelle, papasukin ang showbiz!

Papasukin na nga yata ni Atty. Oliver Moeller, ang nanalong searcher ni Michelle Dee sa EXpecially Yours segment ng It’s Showtime. Siya ang hula ng mga nakakita sa Instagram post ng Cornerstone Entertainment na bago nilang talent.

Ngayong Wednesday ang reveal at pagpapakilala sa bagong talent ng Cornerstone Entertainment na agad nahulaan kahit ang caption sa post ay “Oh My! A new heartthrob is coming to Cornerstone! Can you guess who?”

Sabi ng netizens, tama sila na gusto nitong mag-showbiz at ginawang stepping stone ang pagsali sa It’s Showtime para makilala. Naging controversial pa nga siya dahil sa halip na kay Michelle ma-link, kay Kim Chiu siya sini-ship.

Ngayong magsu-showbiz na siya, mas madali na sa kanya ang mapalapit kay Kim at matutuwa ang shippers nila. Hindi lang naaaliw sa kanya ang fans nina Kim at Paulo Avelino, ang aga raw niyang umeksena sa KimPau love team, hindi pa man nakakaa­lagwa nang husto.

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with