^

Pang Movies

Hindi na masyadong nag-uusap… Kim, may hugot kay Paulo?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Hindi na masyadong nag-uusap� Kim, may hugot kay Paulo?!
Kim Chiu

Ang daming interpretation ng followers sa post ni Kim Chiu na short hair na siya at parang may pait ang caption.

Sabi niya kasi naniniwala siya na lahat ng bagay ay may dahilan.

Dagdag pa niya, nagbabago ang mga tao para matuto, nagkakamali para ma-appreciate sila kapag tama sila, naniniwala sa kasinungalingan kaya sa huli natuto kang magtiwala sa sarili mo.

Ganun kaya talagang parang naapektuhan ang loyal fans niya.

Ang buong post niya: “I believe that everything happens for a reason.

“People change so that you can learn to let go, things go wrong so that you appreciate them when they’re right, you believe lies so you eventually learn to trust no one but yourself, and sometimes good things fall apart so better things can fall together.

“Another year, another reason to make things right and just enjoy life itself!

“#FeelingGrateful #Feelingblessed #badass #34.”

Kinokonek ito ng iba sa kanila ni Paulo Avelino.

Ayon nga sa chikahan, diumano’y hindi na sila masyadong close ni Paulo hindi katulad noong nag-uumpisa sila sa taping ng What’s Wrong with Secretary Kim.

Kung before raw ay super sweet sila, lately raw ay hindi na gaanong nag-uusap ang dalawa.

Naikonek din nila ito nung kasal ni Angelica Panganiban kung saan kumanta talaga si Kim ng Ikaw Na Ba Si Mr. Right.

Payo nila, makakahanap din si Kim ng Ikaw Na Ba Si Mr. Right?

Mga Kapamilya, nagpakitang-gilas sa bagong Station ID

Forever, Kapamilya!

Ito ang chant ng ilang ABS-CBN stars na tampok sa pinakabagong station ID ng Kapamilya Channel na nakakuha na ng mahigit 500,000 views sa Facebook.

Sa video, taos-puso ang pag-awit ng mga bida ng FPJ’s Batang Quiapo, Linlang: The Teleserye Version, at Can’t Buy Me Love sa mga viewer upang ipadama sa kanila na lagi silang kasama at karamay ng bawat Kapamilya.

Nagpakitang-gilas din ang mga host ng It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, I Can See Your Voice, Magandang Buhay, gayundin ang mga coach ng The Voice Teens sa bagong station ID na nagsisilbing paraan nila upang mapasalamatan ang mga manonood na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

Maging ang mga host ng upcoming season ng Pinoy Big Brother at ang mga news anchor ng TV Patrol ay napabilang din sa Kapamilya Channel station ID.

“Kayo ang aming forever, Kapamilya. Samahan kami araw-araw sa paglikha ng mas maraming masasayang alaala at magagandang kuwento sa pamamagitan ng pagsubaybay sa lahat ng programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel na available sa mahigit 300 cable providers sa buong bansa,” ang buong ng mensahe nito.

Actually, sa totoo lang parang mas marami ngayong exposure ang mga programa nila dahil kalat na ito sa iba’t ibang channel.

Ruru, makikipagbakbakan para sa hustisya

Isang malaking bakbakan ang haharapin ni Primetime Action Hero Ruru Madrid sa kanyang misyon para makamit ang hustisya sa hit primetime series at 2024 New York Festivals TV & Film Awards Bronze Medalist na Black Rider.

Kahit pa napabagsak na ni Elias Guerrero (Ruru) ang sindikato ng Golden Scorpion, hindi pa rin tapos ang digmaan na kanyang haharapin. May panibagong grupo ng kasamaan na mabubuo na magpapahirap sa buhay ni Elias bilang isang vigilante.

Marami pang mga dapat abangan lalo’t mabubunyag ang mga sikretong matagal nang nakatago.

Maraming bagay ang mababago sa buhay ni Vanessa “Bane” Bartolome (Yassi Pressman) dahil mabubunyag na ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.

Mapapanood na rin sa Black Rider ang isang bagong karakter, si Nimfa, na gagampanan ni Vivamax A-list actress Angeli Khang, na sasabak sa kanyang pinakaunang TV drama.

Si Nimfa ay isang napakaganda at mapang-akit na dilag, ngunit sumumpang hindi siya mapapaikot ng kahit na sinong lalaki. Sa pagkukrus nila ng landas ni Elias, malaki ang magiging papel niya sa buhay ng huli.

Paano nga ba maaapektuhan ang buhay ni Elias ng mga pangyayaring ito?

Makakasama ni Elias sa panibagong digmaang kanyang haharapin ang mga bagong karakter – Lianne Valentin bilang Sister Grace; Luke Conde bilang William; BJ Forbes bilang Mario; Epy Quizon bilang Sonny; Madam Inutz bilang Gina; William Lorenzo bilang Jojo; Yul Servo bilang Vice President Rosales; at Matet de Leon bilang Belen.

Ang Black Rider ay mula sa direksyon nina action director Erwin Tagle, at master directors Rommel Penesa (Lolong) at Richard Arellano.

Ang serye ang latest primetime offering ng GMA Public Affairs.

Nakamit ng Black Rider ang pinakaunang international award nito matapos manalo ng Bronze Medal sa 2024 New York Festivals TV & Film Awards – Entertainment Program: Drama Category.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with