^

Pang Movies

Maine, iniyakan ang haircut sa abroad

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maine, iniyakan ang haircut sa abroad
Maine Mendoza

Sising-sisi si Maine Mendoza na pinagupit niya ang kanyang buhok sa ibang bansa.

Ipinost niya sa kanyang TikTok account ang kanyang bagong short hair at sa caption ay pinahayag niya ang kanyang pagkadismaya.

“When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the experience and spontaneity only to regret it later. Post ko pa din, for the occasional Tiktok content,” caption ni Maine.

Ipinost din niya ito sa kanyang X account (da­ting Twitter) at nag-reply siya sa isang netizen na nagkomento ng “ang iksi na ng hair mo!”

Sagot ni Maine, “alam ko po iniyakan ko na nga diba.”

Pero marami naman ang nagpalakas ng loob niya at sinabing bagay naman sa kanya ang new haircut.

Narito ang ilan sa mga comment:

“Cute ka pa din kahit anong haircut.”

“Ganda pa rin namaaaaaaan!”

“It’s actually not that bad,it will quickly grow back…fir a minute there I thought you had a pixie haircut.”

“luuhhh super ganda naman.”

“okay lang bagay parin sayo maganda ka parin Maine Cutie.”

JK, nahulog sa hagdan ng stage!

Nagkaroon ng minor accident ang singer/actor na si JK Labajo nang mag-show siya sa Orani, Bataan base sa kanyang Instagram post.

Ibinahagi niya sa IG ang ilang pictures kung saan makikita ang ginawang pag-assist sa kanya ng ilang medics na nakaantabay sa venue.

Sa isang litrato ay makikitang may bandage ang kanyang kaliwang paa.

Sa caption ay dinaan na lang sa biro ng singer ang nangyari sa kanya.

“Isa sa mga pinaka energetic at pinakamagandang crowd na nakasama namin this year!

“Orani, talagang nahulog ako sa inyo! Sobrang saya! Hanggang sa muli! (heart, honeybee, bone emojis),” he wrote.

“Salamat sa ating mga kuya na medic (heart emoji),” sey pa niya.

Hindi na binanggit ng singer kung paano siya naaksidente pero sa comment section ay may mga nagsabing nahulog daw ito sa hagdan habang pabalik sa stage.

Andi, humingi ng dasal sa ultrasound ng puso ni Philmar!

Sa kanyang Instagram post ay hini­ling ni Andi Aigenmann na maging maayos ang lagay ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Sumailalim kahapon ang surfer sa Transesophageal echocardiogram, an ultrasound technology that provides highly detailed images of the heart and its internal structures.

“Well wishes for papa @chepoxz as he goes under a transesophageal echocardiogram procedure today (to relieve a bit of difficulty he has been experiencing from a congenital heart defect,” ang post ni Andi sa kanyang IG Story.

“Hopefully he will be back to his 100% soon after,” patuloy niya.

Sa kanyang IGS din kahapon ay humingi naman ng dasal si Philmar sa netizens.

“Big day for me today, going for my Transesophageal echocardiogram. So that I can finally go to my athletic mode again. Need your (praying hands emojis),” Philmar wrote.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with