^

Pang Movies

David magpapaopera, 12 years nagtitiis sa sakit!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
David magpapaopera, 12 years nagtitiis sa sakit!
David

Magpapaopera na ang aktor na si David Licauco sa katapusan ngayong buwan para sa kanyang sleep apnea na isang hindi birong sleep disorder kung saan biglang tumitigil ang paghinga niya.

Wish nga niya ang gumaling na siya dahil hirap na hirap na raw siya kung saan 12 taon na pala niyang tinitiis ang kanyang kondisyon.

Mas pinili raw niya ang minimally invasive surgery na gagawin sa pamamagitan ng radio frequency.

Tumagal ang kanyang pagpapagamot dahil wala pa raw siyang alam noon tungkol sa kanyang mga option.

Ang alam lang daw niya noon ay operas­yon kung saan tatagal ang kanyang recovery ng isang buwan pero noong bago raw siya umalis papuntang Canada ay nalaman niyang merong procedure na tatagal lang ng 15 minutes at isang araw lang ang down time.

Ito nga ang radiofrequency treatment na gagawin lamang sa muscle sa likod ng dila na magbibigay ng mas malaking space sa paghinga.

Marami ang naka-relate sa nararanasan ni David na mahirap daw talaga ang nasabing kondisyon kung saan natatakot silang matulog dahil bigla silang maghahabol ng hininga.

Kaya wish ng fans ay gumaling na ang Kapuso actor.

vuukle comment

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with