^

Pang Movies

Voltes V, sa hapon naman isasabak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Voltes V, sa hapon naman isasabak
Voltes V

Simula Mayo ay magkakaroon daw ng replay ang Voltes V: Legacy na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho, at Matt Lozano sa hapon sa GMA 7.

Iyon nga namang Voltes V tiyak na panonoorin ng mga bata at maski matanda, wala na silang puhunan dahil replay na lang iyon, hahakot pa iyon ng commercials para sa kanila, kaya double win sila riyan.

Marami nga ang nakaka-miss noong mga panahon na puro anime ang pinapalabas tuwing hapon pero this time raw ay live action.

Nakatanggap naman ito ng positibong reaksyon mula sa viewers na nasabik lalo na ang mga laking Voltes V noon.

May nag-request pa nga na sana raw ay ipalabas sa gabi gaya ng dati para mas maraming makapanood.

Mas lalo silang nasabik nang muling ipalabas ang teaser nito.

Bukod doon ay excited din daw silang magkaroon ng season 2 ito.

Mapagbigyan kaya sila?

FranSeth, isusunod sa DonBelle!

Gagastusan daw nang husto ang gagawing build-up doon sa FranSeth nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Limang taon na pala ang love team nila. Marami talaga ang kinilig sa kanila.

Kinukumpara pa nga sila sa KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Feeling nga ng fans totohanan na rin ang relasyon nila pero wala naman silang inaamin.

Sila na nga kaya ang susunod sa KathNiel?

Maaalalang sinabi noon ni Francine na pawang trabaho lang ang ginagawa nila ng ex ni Andrea Brillantes at magkaibigan lang sila ng ka-love team.

“Ginagawa namin ‘yung trabaho namin, ginagawa namin kung ano dapat naming gawin at mayroon kaming pamilya na pinapakain, nandito kami para magtrabaho,” pahayag ng aktres nang magsalita siya noon tungkol sa intriga sa kanila ni Andrea.

Samantala, kasalukuyan ding patok ang love team ng DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano kung saan tinututukan ang serye nilang Can’t Buy Me Love. Kaya mukhang ganon din ang plano para sa FranSeth.  

Ngayon ay may gagawin daw na proyekto ang dalawa na may titulong My Future You na ididirek ni Crisanto Aquino sa ilalim ng Regal Films.

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with